JODI, SIR CHIEF nagreklamo kaya tsinugi ang ‘Be Careful With My Heart’ sa MMFF 2013
How true na umangal sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria kaya hindi natuloy ang movie version ng Be Careful With My Heart na entry sana ng Star Cinema sa 2013 Metro Manila Film Festival ngayong December.
Aksidenteng natsika sa amin ng taga-production na hindi na raw kaya nina Sir Chief at Maya na gawin ang pelikula kasabay pa ng taping ng nasabing kilig-serye.
“Hindi na talaga nila kakayanin, kasi cut-off sila ng alas-dos ng madaling araw o minsan lumalampas pa tapos, call time nila 10 a.m. or mas maaga, minsan pag sinuwerte ala-una ng hapon, so ilang oras lang itutulog mo tapos siyempre mag-aayos ka pa.
“Wala namang bangko ang Be Careful, kung ano ‘yung tineyp ng Miyerkules, ipalalabas ng Biyernes, so hand to mouth talaga, malabo talaga mag-pelikula,” paliwanag sa amin.
Hindi lang sina Richard at Jodi ang nagsabing hindi nila kakayanin ang shooting ng pelikula, maging ang direktor nitong si Jeffrey Jeturian ay alanganin ding gawin ang proyekto dahil baka may mag-suffer kapag itinuloy pa ang movie version.
Ito raw ang nabanggit sa meeting kay Star Cinema managing producer na si Ms. Malou Santos kaya’t kaagad na silang sumulat kay MMDA Chairman Francis Tolentino para mag-withdraw sa filmfest.
Naringgan pa nga si Chairman Tolentino ng, “Sayang, tiyak na number one pa naman sana ang entry na ito.”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.