Rabiya may pahabol na pampaswerte kay Miss Philippines: Ilaban mo, Bea para sa Pilipinas! | Bandera

Rabiya may pahabol na pampaswerte kay Miss Philippines: Ilaban mo, Bea para sa Pilipinas!

Ervin Santiago |December 13,2021
facebook
share this

Rabiya may pahabol na pampaswerte kay Miss Philippines: Ilaban mo, Bea para sa Pilipinas!

Ervin Santiago - December 13, 2021 - 07:57 AM

Bea Gomez at Rabiya Mateo

HABANG abangers na ang buong mundo sa gaganaping Miss Universe 2021 ngayong umaga, muling nagpadala ng “pampaswerte” si Rabiya Mateo sa bet ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez.

May pahabol na mensahe si 2022 Miss Universe Philippines kay Bea na nakatakda ngang ibandera ang Pilipinas sa magaganap na grand coronation night (ngayong umaga sa bansa) sa Eilat, Israel.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang beauty queen at Kapuso actress ng short message para kay Bea kalakip ang isang litrato habang ipinapasa niya ang korona kay Bea sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 nitong nagdaang Sept. 30.

Ang caption ni Rabiya sa kanyang IG post, “To @beatriceluigigmz, I just wanna let you know how proud I am of you. 

“I believe na malakas talaga ang laban mo because I saw the fire in your eyes and felt the grit in your heart and spirit. Alam kong lalaban ka at ngayon palang panalo ka na sa mata ng maraming Pilipino.

“Ilaban mo Bea para sa Pilipinas! Mahal na mahal ka namin. Salamat sa lahat! (Philippine flag emojis),” pahayag pa ni Rabiya.

View this post on Instagram

A post shared by Beatrice Luigi Gomez (@beatriceluigigmz)


Last Dec. 10, agaw-eksenang rumampa si si Bea sa national costume at preliminary competition ng Miss Universe 2021 suot ang kanyang “Bakunawa 2.0” national costume na ginawa ng Cebu City-based fashion designer na si Axel Que.

Ayon sa host ng national costume competition, ang Bakunawa ay isang Filipino mythical creature na kilala rin sa tawag na “Moon Eater” na sinasabing isa ring sea dragon.

Samantala, todo rin ang suporta ng pamilya ni Bea sa paglaban niya sa Miss Universe at umaasa sila na maiuuwi muli ng dalaga ang titulo at korona ngayong taon.

View this post on Instagram

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Bea Gomez utang ang pagkapanalo sa 2021 Miss Universe PH sa mga taong hindi nagduda sa kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending