Claudine aatras na nga ba sa pagtakbo bilang konsehal sa Gapo?
TRUE kaya ang chika na hindi na tutuloy sa pagtakbo bilang konsehal ng Olongapo City si Claudine Barretto dahil sa kawalan ng pondo?
Ayon kay ‘nay Cristy Fermin, hindi na raw sumasama si Claudine sa tuwing umiikot ang partido niya kasama ang talent manager na si Arnold Vegafria na tatakbong mayor sa Olongapo sa darating na eleksyon 2022.
“Hindi na daw po sumasama si Claudine dahil ang pangako daw sa kanya ni Arnold Vegafria nung kunin siya para tumakbo bilang konsehal ay si Arnold ang taya sa lahat ng gastos. Wala daw anumang gagastusin si Claudine basta tumakbo daw,” saad ni ‘nay Cristy.
Pero ayon raw sa bff ni Claudine na nakausap ni ‘nay Cristy ay hanggang ngayon raw ay wala pa ring bumababang pondo.
“Saan kukuha si Claudine ng puhunan sa kampanya e wala nga siyang proyekto?” tanong niya.
Naalala niya tuloy ang sinabi niya noong unang beses niyang mabalitaan na tatakbo ang aktres bilang konsehal na maaaring sa umpisa ay kasama pa ang aktres pero isang araw ay mawawala na ito.
“Una, nagbago na ang takbo ng kanyang isip. Pabago-bago naman talaga ang takbo ng utak nitong si Claudine… At ang pinakamahalaga, sinabi po ng aming common friend na wala pong pondong ibinababa pa si Arnold Vegafria. Wala pa pong pera na ibinibigay sa kanya kaya hindi na siya sumasama sa pag-iikot ng kanilang partido sa Olongapo,” pagbabahagi ni ‘nay Cristy.
Sey naman ni Romel Chika, baka naman daw pwedeg sumama na lang muna si Claudine kahit wala pang pondo kung gusto talaga nitong magsilbi sa bayan.
Kontra ni ‘nay Cristy, “Mahirap kumilos sa mundo ng politika kung wala kang pera. Para kang may baril, wala ka namang bala. Wala ring saysay ang armas mo.”
Dagdag pa niya, maaaring sumandal si Claudine sa kapatid nitong si Gretchen pero hanggang kailan?
“Syempre gusto rin ni Gretchen na maging responsable siyang magulang. Makapagbibigay si Gretchen, makatutulong pero hanggang kailan. ‘Yun ang kwestyon.”
View this post on Instagram
Related Chika:
Claudine kakandidato bilang konsehal sa Olongapo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.