Karen Bordador: Yung sinabi mo sa buong mundo na taken ka tapos paglabas sa PBB single ka na pala Bandera

Karen Bordador: Yung sinabi mo sa buong mundo na taken ka tapos paglabas sa PBB single ka na pala

Therese Arceo |December 07,2021
share this

Karen Bordador: Yung sinabi mo sa buong mundo na taken ka tapos paglabas sa PBB single ka na pala

Therese Arceo December 07, 2021 - 03:01 PM

Karen Bordador: Yung sinabi mo sa buong mundo na taken ka tapos paglabas sa PBB single ka na pala

USAP-USAPAN ngayon ang “Pinoy Big Brother” 6th evictee na si Karen Bordador dahil sa tweet nito matapos lumabas ng Bahay ni Kuya.

“Yung sinabi mo sa mundo na taken ka….. tapos pag labas sa bahay ni kuya single ka na pala,” tweet ni Karen.

Palaisipan tuloy sa madlang pipol kung sino ang pinatutungkulan ni Karen sa kanyang tweet.

May ilan na ikinukonekta ito kay TJ Valderrama na kasabay niyang lumabas ng “PBB” house noong Linggo, December 5.

Matatandaang nag-viral rin si TJ matapos mapansin ng mga netizens ang kakaibang “closeness” niya sa isang female housemate na si Shanaia Gomez.

Kaya naman hindi tumigil ang mga netizens sa pagkalampag at pgtawag ng pansin ng mismong show upang aksyunan ang isyu.

Kahit na ang girlfriend ni TJ na si Cherry Malaya ay hindi napigilang mag-react sa isyu.

Sa katunayan ay nag-tweet pa nga ito ilang araw bago ianunsyo kung sino ang tuluyang lalabas ng bahay sa mga nominado.

“See you on Sunday for your second eviction,” saad ni Cherry.

Ngunit may ilan ring nagsasabi na marahil ang pinatutungkulan ni Karen ay ang sarili niya dahil bago ito pumasok sa bahay ni Kuya ay “exclusively dating” na ang dalaga.

May mga nag-comfort rin sa dalaga at sinabing darating rin ang taong para sa kanya.

May ilan rin na sinabing hintayin niyang lumabas ang kapwa housemate na si Jordan Andrews na inaasar sa kanya ng housemates noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.

Narito ang ilang mga komento mula sa netizens.

“It’s okay Karen!! The right person will come! I can feel it. Someone who will love the whole you, at sobra sobra pa!! So excited to see what’s next for you! Susubaybayan ko ang next adventure mo. Thank you for being an honest person & staying true to yourself inside bnk.”

“It’s ok Karen makakahanap ka din ‘yung taong para sayo. Enjoy your single life and outside world. Darating at darating yan. We will support you always. We love you!”

“We love you Ate Karen. We appreciate you because you are one of the few housemates who is not quick to judge and invests time to get to know each housemates individually.”

Related Chika:
‘PBB’ housemates TJ Valderrama, Karen Bordador nagkomprontahan, nagsagutan
TJ Valderrama, Karen Bordador tanggal na rin sa ‘PBB 10’, Alexa Ilacad nakaligtas na naman

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending