Miss Universe France nagpositibo sa COVID-19: Even if it is hard, I won’t give up
TINAMAAN ng coronavirus ang kinatawan ng France sa Miss Universe na si Clémence Botino.
Sa kanyang Instagram post ngayong araw, Nob. 30, naglabas ng official statement ang kandidata at sinabing kasalukuyang naka-lockdown siya ngayon sa Israel.
Buong gulat at naiyak umano si Botino nang malaman ang naging resulta ng kanyang COVID test.
“This morning, they called me to say that I was positive. I was shocked and sad, it is truly hard,” sa panimula ng kanyang pahayag.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, una raw niyang ginawa nang malaman ang test results ay ipaalam ito sa kanyang pamilya. Inamin din niyang mahirap malagay sa ganoong sitwasyon na malayo sa pamilya.
“They (family) have been really [supportive]. It is not easy to deal with all of that while being far from home,” aniya ngunit ipinaalam din niyang inaalagaan at nakaalalay sa kanyang ang Miss Universe Organization.
“I will stay [in lockdown for] 10 days then I will be tested again,” patuloy pa niya.
“Even if it is hard, I won’t give up. Life has brought me to Israel and everything is ready. Every situation is supposed to make us stronger.”
Pinaalalahanan din niya ang lahat na patuloy na mag-ingat sa banta ng COVID-19 at pinasalamatan pa niya ang lahat ng kanyang supporters.
“Don’t forget to be safe because the virus is still here. Thank you for your support and love,”
Samantala, tuloy pa rin ang pagho-host ng Israel sa 2021 Miss Universe sa darating na Dec. 12 sa kabila ng pagpapatupad ng bagong travel restrictions dulot ng Omicron strain ng coronavirus.
Ayon kay Tourism Minister Yoel Razvozov, “This is an event that will be broadcast in 174 countries, a very important event, a event that Eilat, too, is very much in need of.
“We will know how to manage this event. So, by using the waivers committee, we will have events like this, to which the country already committed itself and which we cannot cancel,” aniya pa.
View this post on Instagram
Nakataring naman na sa Tel Aviv, Israel si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez nitong Linggo para sa gaganaping ika-70 edisyon ng Miss Universe pageant.
Related Chikas:
Bea Gomez dedma pa rin sa isyu ng lovelife, excited nang lumaban sa 2021 Miss U: I’m ready to fight!
Bea Gomez utang ang pagkapanalo sa 2021 Miss Universe PH sa mga taong hindi nagduda sa kanya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.