Bela ikakasal na nga ba sa dyowang Swiss-Italian kaya maninirahan na sa London? Bandera

Bela ikakasal na nga ba sa dyowang Swiss-Italian kaya maninirahan na sa London?

Reggee Bonoan |November 25,2021
share this

Bela ikakasal na nga ba sa dyowang Swiss-Italian kaya maninirahan na sa London?

Reggee Bonoan November 25, 2021 - 12:52 PM

Bela Padilla at Norman Bay

IKAKASAL na nga ba si Bela Padilla sa kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay? 

Ito ang tanong ng mga netizens nang mabasa ang tweet ng aktres nitong nagdaang Nov. 22 tungkol sa paglipad niya patungong London ilang buwan na ang nakararaan.

“So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as I can in a video,” ang ipinost ng dalaga sa Twitter.

Matatandaang noong Hulyo 5 ay umalis ng bansa ang aktres kung saan inihatid pa siya ng kaibigang si Dani Barretto. Talagang nag-iyakan pa sila nang umalis si Bela.

Hulyo 11 ay nag-post ang dalaga ng larawan nila ng kanyang boyfriend na si Norman na kuha sa Italya at huling linggo ng nasabing buwan ay nasa United Kingdom naman sila kasama ang sisters ni Bela na doon na naka-base.

May mga napanood din kaming video na tinuturuan ni Norman si Bela kung paano magluto ng paborito nitong Italian cuisine na Gnocchi sa pamamagitan lamang ng video call na sinasabayan naman ng dalaga.

Bukod dito ay marami pa silang mga binisitang tourist spots sa Europe kasama ang ilang kaibigan.


Nag-post din noong Okt. 30 si Bela kasama ang kaibigan nitong si Dani Barretto na nagdiwang naman ng kanyang kaarawan. Sabi sa caption, “My Danigirl, the happiest of happy days! I miss you.”

Sinagot naman siya ng panganay na anak ni Marjorie Barreto, “I miss you. I miss laughing with youuu. First birthday without you. i love you my bely!! Visiting you soon.”

At dahil maninirahan na sa London ang aktres ay paano na ang kanyang showbiz career? Sa pagkakaalam namin ay may mga pelikula pa siyang gagawin sa Viva Films at ilang indie films.

Huling napanood si Bela sa pelikulang “On Vodka, Beers and Regrets” kasama si JC Santos under Viva Films na idinirek ni Irene Villamor.8

Bela kering-keri ang ‘LDR’ nila ng Swiss BF: Nu’ng makilala ko siya ang dami kong natutunan

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending