Barbie Forteza: Hindi ko naman naranasang pag-agawan ng 4 na lalaki pero nagawa yun ng GMA! | Bandera

Barbie Forteza: Hindi ko naman naranasang pag-agawan ng 4 na lalaki pero nagawa yun ng GMA!

Ervin Santiago - November 23, 2021 - 12:34 PM

Barbie Forteza

MAS marami pang inihahandang pasabog ang GMA 7 para sa Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza matapos nga itong mag-renew ng kontrata sa network.

Nananatiling solid at loyal Kapuso ang aktres na 12 years na ngayong namamayagpag sa GMA kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa kanyang mga bossing sa nasabing TV station.

“I feel kind of old. Kanina narinig ko sabi ng host 12 years, parang ‘yun yung edad ko nung pumasok ako sa GMA. Ang tagal na pala.

“Kasi para sa akin in-enjoy ko lang eh. Nag-enjoy lang ako sa buong journey, so parang nagulat ako. Wow! Has it already been 12 years?” ang namamanghang chika ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Mensahe ni GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon kay Barbie, “With her many successful projects, there is no denying that Barbie is one of the most accomplished, talented, and popular artists of her generation. We are happy that she will continue her long journey as a Kapuso. Congratulations, Barbie.”

Kung matatandaan, nagsimula ang career ni Barbie sa GMA nang gawin niya ang 2009 drama series na “Stairway to Heaven” hanggang sa magsunud-sunod na nga ang kanyang proyekto.

“Sobrang nakaka-overwhelm dahil lahat ng friends ko sa show business ay nagparating ng mensahe. Maraming, maraming salamat. 

“Sa mga bosses ko po dito sa GMA, maraming salamat po. I can’t ask for anything more. Thank you so much for this wonderful gift,” sabi pa ng TV host-actress.

Sa pagbabalik-tanaw ng aktres sa kanyang 12 years sa GMA, may dalawang karakter siyang ginampanan na hinding-hindi niya makakalimutan.

“Isa sa favorite ko ay si Billie Bendiola sa ‘Meant to Be’ dahil ang haba-haba lang ng buhok ko doon. Sa totoong buhay, hindi ko naman naranasan ang pag-agawan ng apat na lalaki pero natupad ng GMA ang dream ko na ‘yon. 

“Sa pelikula naman, ‘yung role ko as Duwokan sa ‘Tuos’ with the Superstar Ms. Nora Aunor. I had so much fun shooting the film, I had so much fun watching it. Nai-starstruck ako kay Ms. Nora habang pinapanood ko siya, and I also had fun promoting the film,” aniya pa.

Ilan pa sa mga roles na ginampanan ni Barbie ay sina Kara sa “Kara Mia (2019),” at Diana ng “The Half Sisters” (2014).

https://bandera.inquirer.net/289534/barbie-jak-nabiktima-rin-ng-sindikato-sa-fb-to-whoever-made-this-youre-welcome
Samantala, abangan din ang dalaga sa Christmas special ng “Wish Ko Lang” kung saan gaganap siya bilang dalagang may identity disorder.

“To be honest, I was given a short period to prepare because thankfully, I’ve been busy with work din talaga, pero grabe sobrang saya. I had so much fun working sa taping noon, and sobrang na-enjoy ko ‘yung characters ko,” kuwento ni Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung mabibigyan naman ng chance, gusto rin niyang gumanap na serial killer, “It doesn’t have to be now, siyempre kailangan dahan-dahan lang, pero isa yan sa dream kong ma-portray someday, serial killer.”
https://bandera.inquirer.net/285081/barbie-tiwalang-hindi-magloloko-si-jak-yung-security-namin-sa-isat-isa-talagang-matatag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending