Vice, Ion hindi sinusukat ang love sa isa't isa: Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal, sapat na 'yun | Bandera

Vice, Ion hindi sinusukat ang love sa isa’t isa: Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal, sapat na ‘yun

Ervin Santiago |November 18,2021
facebook
share this

Vice, Ion hindi sinusukat ang love sa isa’t isa: Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal, sapat na ‘yun

Ervin Santiago - November 18, 2021 - 02:00 PM
Vice, Ion hindi sinusukat ang love sa isa't isa: Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal, sapat na 'yun

MAS magaling humalik at mas mapagpasensiya si Vice Ganda kesa sa boyfriend niyang hunk actor-model na si Ion Perez.

Ito ang diretsahang sinabi ng TV host-comedian nang sumabak sila ng kanyang dyowa sa “Who’s Who” game habang nagpi-picnic sa Central Park sa New York City, USA.
Mapapanood ito sa anniversary vlog nina Ion at Vice sa YouTube kung saan game na game rin nilang sinagot ang mga intriguing questions about their relationship.
Isa sa mga itinanong sa magdyowa kung sino sa tingin nila sang unang bibitaw sa kanilang relasyon. Pareho silang umiling at sinabing hindi nila susukuan ang kanilang pinagsamahan lalo na ngayong mahigit tatlong taon na rin silang magkarelasyon.
Ayon sa Kapamilya TV host, sa ngayon, hindi niya nakikita na  bibitaw sila ni Ion sa mas tumatatag pa nilang relationship lalo pa nga’t three years na rin silang nagsasama.

“Personally, hindi ko nararamdaman sa amin ’yun. Sa puntong ito, kung gaano ka-intense ’yung samahan namin, ’yung feelings namin sa isa’t isa, di ko ’yan nararamdaman na mangyayari any time soon.

“Hindi ko nararamdaman na kaya ko ’yan gawin at kaya siyang gawin ni Ion,” sey ni Vice.
Sundot na tanong sa komedyante,  sino sa kanila ni Ion ang mas  lamang ang pagmamahal? Ayon kay Vice hindi pwedeng sukatin ang love nila para sa isa’t isa.

“Siya naman ibinibigay niya kung anong kaya niyang ibigay. Natatanggap ko naman ang deserve ko.

“I’m trying to give what he deserves. Hindi yun nasusukat. Pero malalaman mo kung sinsero o hindi,” chika pa ng Phenomenal Box-office Star.

Aniya pa, “Hindi na rin mahalaga sa akin kung sino ang mas lamang. Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal. Sapat na ’yun.”

Kasunod nga nito ay sumabak din ang celebrity couple sa “Who’s Who” game habang enjoy na enjoy na nagpi-picnic sa  Central Park.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Sa isang tanong, diretsahan nilang inamin na mas maayos sa kanyang mga gamit, mas mabango at mas malinis sa katawan si Ion kesa kay Vice.

Pero agad namang dumepensa si Vice at sinabing mas mahaba naman ang kanyang pasensiya. Siya rin daw ang palaging unang nanunuyo kapag may tampuhan sila at ang pasabog pa ng komedyante mas magaling daw siyang humalik.

Mas romantic naman si Ion at madalas, ang binata rin ang madalas mag-“I love you” kesa sa TV host-comedian.

At tungkol naman sa pagseselos, hindi raw ito issue sa kanila dahil talagang iniiwasan nilang magkaroon ng rason para sila’y magselos.

Paliwanag ni Vice, “Hindi namin problema ’yan. Walang madalas magselos pero may instance na nagselos, siya ’yun. Iniiwasan namin gumawa ng mga dahilan para makaramdam ng ganu’n.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, ibinandera nina Ion at Vice ang kanilang relasyon noong 2019 sa “Magpasikat” segment ng “It’s Showtime.”

Related Chika:
Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending