Janine, Rayver naghiwalay na, 4 na taong relasyon nauwi rin sa wala | Bandera

Janine, Rayver naghiwalay na, 4 na taong relasyon nauwi rin sa wala

Reggee Bonoan |November 15,2021
facebook
share this

Janine, Rayver naghiwalay na, 4 na taong relasyon nauwi rin sa wala

Reggee Bonoan - November 15, 2021 - 05:38 PM

Rayver Cruz at Janine Gutierrez

SINIMULAN namin sa blind item dito sa BANDERA ang tungkol sa isang kilalang aktres na hiniwalayan na umano ang boyfriend nitong TV host at aktor. Sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez ang aming tinutukoy. 
                                                              
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay 15 times naming tinawagan si Rayver pero hindi niya kami sinasagot.

Anyway, muli naming binalikan ang source namin na taga-production kung kailan magsasalita si Janine tungkol sa break-up nila ni Rayver.

“I’m not sure kung magsasalita siya, kasi parang ang management na yata niya ang maglalabas ng statement. Parang ganu’n ‘yung intindi ko. Pero oo nga, dapat kay Janine manggaling, ‘no?” sagot sa amin.

Dagdag pa niya, “E, si Rayver ba kailan magpapa-interview?”

Sabi namin, ayaw magsalita ng aktor at dinededma lang ang tawag namin.

“Ha-hahaha! Bakit daw?” ang balik na tanong ng kausap namin.

For the record ay isang buwan at kalahati na palang hiwalay sina Rayver at Janine kaya sa madaling salita ay Oct. 1 pa sila naghiwalay?

“’Yun ang bilang. Oo, October 1, November 15 ngayon, tama one month and a half na. Grabe ang tagal na now lang pumutok. Ang galing nila magtago. Ay kasi, di ba umalis si gurl, nag-US, kaya wala talaga.

“Pero alam mo nu’ng sinulat mo ‘yung blind item, kailan nga ba ‘yun? Kinabahan na si _____ (aktor na kasama sa show) saka si _____ (taong malapit kay Janine) kasi tukoy na. Ikaw naman hindi mo man lang inilayo. Pero kita mo di ba, tahimik lang. Tapos nagpa-presscon sila, nandoon ka ba?” kuwento ng aming source.

Hindi kami imbitado sa recent mediacon ng show ni Janine dahil kung nandoon kami baka natanong ko ang tungkol sa kanila ni Rayver.

“Baka nga nabasa ang blind item mo kaya hindi ka inimbita? Ha-hahaha!” ang tila nang-iinis pang sabi ng aming kausap.

Seryosong tanong namin sa kanya, ano ang dahilan bakit naghiwalay sina Rayver at Janine? “Actually, ‘yan din ang tanong ng grupo, anong dahilan? Super bait ni Rayver grabe. Ang galing makisama.  Gusto na bang mag-asawa ni Rayver? Baka kasi niyaya, e, hindi pa feel ni gurl, ‘no? 

“Sa nakikita namin ha, hindi pa type ni gurl ang mag-asawa, nag-e-enjoy pa siya being single, parang marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya,” say sa amin.

Diretsong tanong din namin, inamin nina Paulo Avelino at Janine na nag-date sila noon at base sa mga nakita naming video sa mediacon ay may kilig nga ang dalawa. Tapos inaming nanligaw din siya noon sa dalaga.

“E, di ba sinabi ko naman sa ‘yo sa tsikahan natin na nanligaw nga si Pau? Tapos close sila ngayon, sweet pa, so ano sa tingin mo?” makahulugang sabi ng aming source.

View this post on Instagram

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)


Sina Janine at Paulo na ba? “Ay ‘yan ang hindi ko masasagot, basta nakita ko, close sila walang ilangan kapag magkasama. Hindi natin masabi, eh, puwedeng nagkadebelopan lalo na magkasama sa lock in nang matagal,” pagtatapat ng aming kausap.

Posible kayang kawalan ng oras ang main reason ng paghihiwalay nina Rayver at Janine? “Bakit hindi ba sila nag-uusap? Kahit naman naka-lock in kung lagi kayong magkausap o video call wala pa bang oras ‘yun? 

“Unless hindi na talaga kayo masyadong nag-uusap kasi walang oras,” sabi sa amin.

Anyway, umabot sa apat na taon ang relasyon nina Janine at Rayver kaya marami ang nanghinayang sa kanilang paghihiwalay. Pero sabi nga, baka hindi talaga sila para isa’t isa.
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Janine, Paulo at Rayver sa isyung ito.

View this post on Instagram

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


https://bandera.inquirer.net/283634/janine-kay-rayver-lahat-ng-kabaliwan-ko-ipinakita-ko-kung-ano-talaga-ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/279540/rayver-na-shock-natulala-nang-makita-ang-bonggang-design-ng-bagong-bahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending