Bea sa paglipat ni John Lloyd sa GMA: Mukhang totoo ngang magkadugtong ang bituka natin | Bandera

Bea sa paglipat ni John Lloyd sa GMA: Mukhang totoo ngang magkadugtong ang bituka natin

Ervin Santiago |November 15,2021
facebook
share this

Bea sa paglipat ni John Lloyd sa GMA: Mukhang totoo ngang magkadugtong ang bituka natin

Ervin Santiago - November 15, 2021 - 11:36 AM

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo

NGAYON pa lang ay super excited na ang mga Kapuso viewers sa unang proyekto ni John Lloyd Cruz matapos itong pumirma ng kontrata sa GMA 7 kamakailan.

Bibida si John Lloyd sa bagong Kapuso show na may titulong “Happy Together” na ididirek ni Bobot Mortiz. Bukod sa pagiging lead star sa nasabing programa magiging part din ang award-winning actor ng production team bilang creative director.

Isa si Bea Alonzo sa mga bumati kay Lloydie after ng contract signing niya sa network. Tulad ni Bea, galing din ang aktor sa ABS-CBN kaya naman marami ang umaasa sa balik-tambalan ng dating magka-loveteam ngayong pareho na silang Kapuso.

“Hi Idan, ito na naman tayo, magkasama nanaman tayo mukhang totoo yata ‘yung sinabi nila na  magkadugtong yung bituka nating dalawa,” ang mensahe ni Bea para kay John Lloyd sa ginawa niyang video message.

Dagdag pa ng aktres, “I cannot wait for everyone to see and experience the greatness of a John Lloyd Cruz just like I did through the years.”

“You know that I will forever be your biggest fan and congratulations for your new show and I will see you very very soon,” chika pa ni Bea na nakatakda nang gumawa ng teleserye sa GMA at malapit na ring simulan ang pelikula nila ni Alden Richards.

View this post on Instagram

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)


Bumati rin kay Lloydie ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, “When we first heard that John Lloyd is going to do a project with GMA hindi namin matago ang aming excitement because siyempre siya ay isa sa mga talented actor na meron tayo sa industriya and we are happy he is back on screen.

“Kaya sure ako ‘yung show na ‘Happy Together’ will be different because of his creative inputs. Kaya congratulations on the new show and welcome to the Kapuso Network,” aniya pa.

Ilan pa sa mga Kapuso stars na excited na sa pagpasok ng aktor sa GMA ay sina Barbie Forteza, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Alden Richards, Sanya Lopez, Marian Rivera, Julie Anne San Jose, AiAi delas Alas, Pokwang at Bianca Umali.

Narito naman ang naging pahayag ni John Lloyd matapos mapanood ang mga video message ng mga Kapuso celebrities, “May isang napasama du’n hindi ko pa siya kilala si Ms. Bea Alonzo sana po makatrabaho ko po kayo para malaman ko kung talagang nakatali ‘yung bituka natin.

“Sana mabigyan tayong lahat ng opportunity to work together. Kay Sanya also. Sana madalaw n’yo kami sa Happy Together,” aniya pa.

Unang napanood ang box-office king sa GMA makalipas ang ilang taong pamamahinga sa showbiz noong Hunyo sa TV special ng “Wowowin” hosted by Willie Revillame. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito nga ibinandera ni Willie na magiging Kapuso na ang aktor at ang una ngang magiging show nito sa GMA ay isang sitcom kasama si Sanya Lopez.
https://bandera.inquirer.net/289568/rason-ni-john-lloyd-kaya-nagbalik-showbiz-gusto-ko-makita-ako-ng-anak-ko-na-nagtatrabaho
https://bandera.inquirer.net/297106/paglipat-ni-john-lloyd-sa-gma-kasado-na-raw-grand-reveal-babandera-sa-nov-9

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending