Ellen, Derek may 'nakakalokang' experience sa unang gabi bilang Mr. and Mrs. Ramsay | Bandera

Ellen, Derek may ‘nakakalokang’ experience sa unang gabi bilang Mr. and Mrs. Ramsay

Therese Arceo |November 12,2021
facebook
share this

Ellen, Derek may ‘nakakalokang’ experience sa unang gabi bilang Mr. and Mrs. Ramsay

Therese Arceo - November 12, 2021 - 06:17 PM

Ellen, Derek may 'nakakalokang' experience sa unang gabi bilang Mr. and Mrs. Ramsay

KAHAPON lamang nang ikasal ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa isang resort sa Bagac, Bataan na dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Masasabing kahit sa maikling panahon na pagiging magkasintahan ay talagang mahal nila ang isa’t isa. Ilan lamang ang mga litrato at videos na kuha noong kanilang kasal sa mga patunay ng kanilang lubos na pagmamahal sa isa’t isa.

Ngunit talagang napatunayan ni Derek kung gaano niya kamahal ang asawang si Ellen matapos ang kanilang unang gabi bilang mag-asawa.

Sa Instagram story ni Derek habang nakahiga pa sila sa kama na tila kakagising lang ay inilahad niya ang “nakakalokang” ganap sa unang gabi nila bilang Mr. and Mrs. Ramsay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

“Love you know I love you, right? Imagine, on our wedding day, our wedding night ended where I slept with you and your mom,” saad ni Derek.

Natawa naman agad si Ellen nang maalala ang nangyari.

“No action,” natatawang sabi niya.

Natawa naman sila parehas.

“Tita, thank you. I can see my future,” nagbibirong saad ni Derek.

Sa Instagram story naman ni Ellen ay ibinahagi nito ang mensahe ng kanyang ina kay Derek na may caption na “She slept with us. She did (laughing emoji).”

Mukhang na-guilty naman ang ina ni Ellen sa kanyang ginawang pagtulog sa kanilang kwarto matapos ang kasal kaya naman agad itong humingi ng tawad sa aktor.

“So sorry Derek had to sleep in your room on your wedding night LOL the mom in law ohh my God kaloka,” saad nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, mukhang wala na ang mommy ni Ellen ngayong gabi kaya naman ito na ang magiging official first night nila bilang Mr. and Mrs. Ramsay.

Muli, congratulations and best wishes, Ellen and Derek!

Related Chika:
#Confirmed: Ellen Adarna, Derek Ramsay ikinasal na!
Basher na nambasag kay Derek sunog kay Ellen: You know him personally? Close ba kayo???

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending