Basher na nambasag kay Derek sunog kay Ellen: You know him personally? Close ba kayo??? Bandera

Basher na nambasag kay Derek sunog kay Ellen: You know him personally? Close ba kayo???

Ervin Santiago |October 13,2021
share this

Basher na nambasag kay Derek sunog kay Ellen: You know him personally? Close ba kayo???

Ervin Santiago October 13, 2021 - 12:53 PM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

MATAPOS maglabasan sa social media ang prenuptial pictorial ng engaged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay, ang inaabangan na ngayon ng publiko ay ang kanilang kasal.

Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na detalye ang magdyowa kung kailan at saan magaganap ang kanilang wedding.

In fairness, maraming nagandahan sa mga litrato nina Ellen at Derek na ipinost nila sa kani-kanilang Instagram page na kinunan pa sa isang bundok sa Anilao, Batangas ng wedding photographers na sina Pat Dy at Chissai Bautista.

Sa isang litrato nila ng kanyang future husband sa IG, ito ang caption ni Ellen, “Heyy… D… (emojis) @ramsayderek07” habang sa isa pa nilang litrato ay ay may nakasulat na, “My forever D.”

Nag-post din si Derek sa kanyang IG ng mga prenup photos nila ni Ellen na may caption na, “Hey E!!! (heart emoji) @maria.elena.adarna.”

Sa isa pa niyang post, sinabi ng hunk actor na excited na siya sa kasal nila ng sexy actress at sa pagtanggap ng blessing para sa kanilang pagsasama, “Can’t wait love!! (heart emojis).”

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati para sa engaged couple mula sa kanilang followers kabilang na ang ilang kaibigan sa showbiz including Tim Yap, Laureen Uy, Andi Manzano at marami pang iba.

Nagandahan din ang mga ito sa konsepto ng kanilang prenup photo shoot pero may isang basher na nambasag sa trip ng future husband and wife.

Inokray nito si Derek sa kanyang comment, “Hope you will last forever. knowinh Derek how he is.” Na pinatulan naman ni Ellen at bumanat ng, “U know him personally? Close ba kayo???”

Mukhang natakot nang makipagtalakan sa comment section ang netizen kay Ellen kaya hindi na ito sumagot pa.

Nag-propose si Derek kay Ellen noong March 30, 2021 matapos maging official couple noong Feb. 4, 2021. Balitang ngayong November na ang kanilang wedding.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending