#Confirmed: Ellen Adarna, Derek Ramsay ikinasal na! | Bandera

#Confirmed: Ellen Adarna, Derek Ramsay ikinasal na!

Reggee Bonoan, Therese Arceo |November 11,2021
facebook
share this

#Confirmed: Ellen Adarna, Derek Ramsay ikinasal na!

Reggee Bonoan, Therese Arceo - November 11, 2021 - 06:58 PM

#Confirmed: Ellen, Derek ikinasal na!

Contributed Photo | Ellen Adarna and Derek Ramsay Wedding

IT’S OFFICIAL!

Kasal na nga ang isa sa mga pinag-uusapang couple ngayon na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Marami sa mga netizens ang nagulat na ngayong araw, Nobyembre 11, gaganapin ang kasal ng dalawa dahil hindi naman nila ito inanunsyo sa publiko.

Bukod rito, hindi rin inaakala ng madlang pipol na ngayong taon rin ang kasal dahil nitong Marso lang rin nangyari ang proposal ni Derek kasabay ang surprise birthday party ng aktor para kay Ellen.

Naganap ang kasal ngayong hapon sa Bagac, Bataan kung saan tanging pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang imbitado.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nelwin Uy Photography (@nelwinuyphoto)


Parte naman ng entourage ang cute na cute na anak ni Ellen na si Elias Modesto bilang ring bearer.

Present rin bilang isa sa mga flower girls si Olivia Ines na anak ni Beauty Gonzalez, isa sa mga malalapit na kaibigan ng aktres sa showbiz.

Saksi rin ang pamilya ni Dra. Vicki Belo sa pag-iisang dibdib nina Ellen at Derek.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nelwin Uy Photography (@nelwinuyphoto)

Alas kwatro ng hapon nakatakdang ikasal ang dalawa ngunit lumipas na ang isa’t kalahating oras ay wala pa rin ang bride sa venue ng kanilang kasal.

Ayon sa chika sa amin ng isa sa mga bisita, pinababa pa raw nila Ellen ang sikat ng araw dahil sa sobrang init.

Samantala, panay naman ang post ni Derek sa kanyang Instagram account at kitang kita ang excitement ng aktor na makasal sa kanyang sinisinta.

Sa huling post ni Derek bago ang kasal ay may hawak siyang alak at may caption na, “Cheers to my beautiful future. I love you you my dear wife! @maria.elena.adarna.”

Sinita naman siya agad ni Ellen at nag-comment ng “Stop drunk posting.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, congratulations and best wishes sa inyo, Mr. and Mrs. Ramsay!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nelwin Uy Photography (@nelwinuyphoto)

Related Chika:
#GameOver: Derek nag-propose na kay Ellen
Na-pressure nga lang ba si Derek na mag-propose agad kay Ellen?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending