Ely dinalaw si VP Leni; Eraserheads reunion matuloy na kaya?
BINISITA ng dating front man ng Eraserheads Ely Buendia si Vice President Leni Robredo sa kanyang opisina para magbigay ng kopya ng first album ng Eraserheads on vinyl.
Ito ay ibinahagi ni VP Leni sa kanyang Twitter account nitong Nobyembre 11.
“Ely Buendia in the house!! Grabe, nabulabog opisina. He gave me this Eraserheads 25th Anniversary Limited Edition on vinyl.
“Thank you, Ely. Nakita mo kung gaano kadami fans mo sa office namin,” saad ni VP Leni.
Ely Buendia in the house!! Grabe, nabulabog opisina🥳🥳 He gave me this Eraserheads 25th Anniversary Limited Edition on vinyl 🎼 🎶
Thank you, Ely🙏🙏 Nakita mo kung gaano kadami fans mo sa office namin. pic.twitter.com/3e06abiD7C
— Leni Robredo (@lenirobredo) November 11, 2021
Well, ito na kaya ang sign para sa Eraserheads reunion na matagal nang inaasam ng madlang pipol?
Matatandaang nag-trending si Ely Buendia noong nakaraang buwan matapos nitong sagutin ang tanong ng isang netizen kung magkakaroon ba ng chance na magsamang muli ang Eraserheads matapos itong ma-disband noong 2002.
“Pag tumakbo si Leni,” sagot ni Ely.
Kaya naman nang ianunsyo ni VP Leni ang kanyang pagtakbo sa pagkapresidente noong Oktubre 7, muli na namang nag-trending si Ely at ang Eraserheads.
Ngunit matapos ang ilang araw ay sinabi ni Ely na “half serious joke” lamang ang kanyang naging sagot sa netizen.
“That answer was far from a political post. I do respect and admire Leni. If I were to vote, she’s my top candidate right now. That tweet was a half serious joke maybe, but people made it into a big deal,” sey ni Ely.
Nagsalita rin ang isa pang myembro ng Eraserheads na si Raymund Marasigan sa mga queries ng mga fans at aminadong walang alam sa plans na magkaroon ng Eraserheads reunion.
“Let’s just address it here para isang sagutan na lang – one, I do not know of anything. If it’s anything about the ‘Heads playing together, my policy is tell me about it when I’m ready to sign and rehearse,” saad ni Raymund.
Ngunit ngayon ay muli na namang nabuhayan ng pag-asa ang madlang pipol at supporters ng bandang Eraserheads nang personal pang nagtungo si Ely sa opisina ni VP Leni.
2016 nang huling mapanood nang magkakasama ang Eraserheads kung saang kinanta ng mga ito ang kanilang hit song na “Maling Akala” pati na rin ang mga kantang “Popmachine” and “Poor Man’s Grave.”
Ang bandang Eraserheads ay binubuo nina Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro, and Raymund Marasigan.
Related Chika:
Sey ni Ely, Eraserheads reunion posibleng mangyari: Pag tumakbo si Leni…
Ely sa Eraserheads reunion pag tumakbo si Leni ‘half serious joke’ lang daw: But people made it into a big deal
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.