Sylvia nape-pressure sa paglaban ng best supporting actress sa Asian Academy Creative Awards: Nai-stress ako!
Arjo Atayde at Sylvia Sanchez
MATINDING pressure ang nararamdaman ngayon ni Sylvia Sanchez dahil sa nakuhang nominasyon para sa Asian Academy Creative Awards ngayong taon.
Isa ang Kapamilya actress sa mga national winners mula sa Pilipinas na makikipaglaban sa best supporting actress category sa AACA para sa natatangi niyang performance sa seryeng “Huwag Kang Mangamba” ng ABS-CBN.
Magaganap ang Grand Awards para sa Asian Academy Creative Award sa darating na December, “Masayang-masaya ako nu’ng nalaman ko nga na nominated si Barang at yung character ni Nonie du’n sa Asian.
“Kasi tinawagan ako, sabi sa akin panoorin mo six o’clock yung TV Patrol nilalabas tapos yun nga nominated daw. So sobra akong wow talaga?
“Honestly hindi ko inasahan kasi hindi pa nga tapos yung teleserye. Nu’ng natanggap ko yung news na yun siyempre wow, after ng lahat ng hirap ko kay Barang (karakter niya sa serye), after ko i-portray si Barang na ang gandang role pero ibang klase si Barang. Sulit yung lahat ng pagod.
“Hindi lang para sa amin ito eh, para sa mga co-actors din namin ito, para sa Dreamscape, para sa ABS-CBN, para sa Pilipinas eh. So tulungan niyo kami magdasal,” lahad ng aktres.
Kahit daw tatlong dekada na siya sa industriya ng telebisyon at pelikula, excited at kinakabahan pa rin siya sa tuwing nominado siya bilang best actress o best supporting actress.
“Hanggang ngayon mahalaga sa akin kasi iba na nakikita ka at napapansin ka ng mga kritiko, ng mga award-giving bodies, so yun yun. Kasi may nagsasabing balewala ang awards. Imposible yun.
“Nakakatuwa yun sa amin bilang mga aktor kaya hanggang ngayon mahalaga at importante sa akin yun. Bawat gawa ko rin ng teleserye, hindi ako actually nag-e-expect ng award pero nangyayari nagkaka-awards ako so pasalamat ako dahil nga siguro nagagampanan ko mabuti yung role ko para sa kanila kaya pasalamat ako. Nakakatuwa pa rin yun,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/280848/dream-role-ni-sylvia-natupad-sa-huwag-kang-mangamba-masarap-siyang-paglaruan
Kasunod nito, inamin nga ni Ibyang na grabe ang pressure na nararamdaman niya sa bagong nominasyon dahil nga last year ay ang anak niyang si Arjo Atayde ang nagwaging best actor sa nasabing award-giving body para sa “Bagman.”
“Pasalamat ako kasi yung mga co-actors ko talaga rito magagaling din. Kaya nakakapag-react ako ng ganu’n bilang si Barang. Pero siyempre yung Asian Academy nape-pressure din ako kahit paano kasi may mga nagsasabi sa akin siyempre, ‘O last year nanalo si Arjo ng leading actor diyan, yung first Filipino actor na nanalo diyan.
“‘So ngayon ikaw na nanay naman ang lalaban.’ So sana makuha ko di ba? Sino ba namang ayaw. Hala, yun lang yung parang kaba ko. Paano pag hindi ko makuha? Kasi may expectation na ganu’n eh. Yun lang yun.
“Magandang problema yun pero kahit paano nape-pressure ako, nai-stress ako, pero magandang stress yun. Magandang problema yun. Yun lang naman. Pasalamat ako sobra sobra kay Barang kasi siya ang pinakamahirap na role ko sa buong buhay ko na ginampanan,” sabi pa ng aktres.
Nauna rito, nasabi rin niya na magpapahinga muna siya pagkatapos ng “Huwag Kang Mangamba” dahil halos tatlong taon din siyang walang pahinga sa paggawa ng teleserye at pelikula.
“Kaya ko tinanggap ito kasi napapanahon ito sa gitna ng pandemya. Kailangan natin ang Diyos. Kailangan natin ng maiiyakan and honestly madami din naman nandiyan pa rin pero madami ring naliligaw na kailangan ibaik ang faith sa Diyos.
“Isa pang nag-interes sa akin dito yung role mismo ni Barang na after Greatest Love, eto na naman. Ako na naman mag-re-represent sa mga mentally challenged people, sa mga tao na ako yung magiging tulay na maintindihan ng mga tao kung ano ba yung ganitong may kakulangan sa pag-iisip.
“Na hindi kaagad maliitin, na hindi agad i-chismis, hindi pagtawan kundi intindihin kung anong buhay meron sila at kung anong pag-iisip meron sila. Si Barang din ang dahilan kung bakit ko tinanggap itodahil napakagandang role ni Barang,” paliwanag pa ni Sylvia.
https://bandera.inquirer.net/296394/sylvia-pahinga-muna-sa-showbiz-napagod-ako-nang-sobra
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.