Jane de Leon tinulungan ang viral food delivery rider | Bandera

Jane de Leon tinulungan ang viral food delivery rider

Therese Arceo - October 30, 2021 - 01:59 PM

 Jane de Leon tinulungan ang viral food delivery rider

PERSONAL na nagpunta ang nagpaabot ng tulong si Jane de Leon sa nag-viral na food delivery rider na si Hershey Manuel.

Mukhang kahit sa real life ay mala-Darna na rin ang ganap ng aktres dahil sa kabila ng banta ng COVID-19 at sa busy nitong schedule sa nalalapit na muling paglipad ng “Darna”, nagawa pa rin nitong personal na magpaabot ng tulong at kumustahin ang pamilya ni Hershey.

Sa video na shinare ng Facebook page ni Hershey, makikita na nag-uusap si Jane at ang viral food delivery rider.

“Maraming maraming salamat po Darna, Jane de Leon, at sa buong team po nila. Hinding hindi ko po malilimutan ‘to na pinuntahan n’yo pa po kami at kayo po mismo nag-chat sa ‘kin para matulungan kami kahit sobrang busy n’yo po.

“Pagpalain pa po kayo lalo ng Panginoon para marami pa po kayong matulungan. Maraming maraming maraming salamat po talaga,” pagpapasalamat ni Hershey sa aktres.

Dagdag pa nito, magiging ninang raw ng kanilang anak ang aktres.

Nag-post rin si Hershey ng litrato habang buhat buhat ni Jane ang kanilang baby. May litrato rin kung saan kasama nilang mag-anak ang aktres.

&

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Matatandaang nag-viral ang kuwento ni Hershey matapos siyang i-post ng netizen na nagtatrabaho habang dala-dala nito ang anak na nakaupo sa basket sa harap ng kanyang bisekleta.

Kuwento niya, hindi naman daw niya talaga kasama ang anak sa kanyang trabaho ngunit noong araw na ‘yun ay napilitan siyang isama ang bata dahil walang maiiwan na magbabantay at mag-aalaga sa anak.

Lubos naman ang pasasalamat ni Hershey sa nag-upload ng kanyang video at litrato na si Jeremiel Quinto dahil naging instrumento ang kanyang simpleng pag-post sa bumabahang blessings na ibinibigay at natatamasa nila ngayon.

Related Chika:
Jane naiyak nang isuot na ang Darna costume: Totoo na po ito, hindi na prank!
Chito Roño napiling magdirek ng ‘Darna’ ni Jane, tuloy na ang taping sa Nobyembre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending