Lolit may advice kina Kylie at Aljur: Settle your own issues | Bandera

Lolit may advice kina Kylie at Aljur: Settle your own issues

Therese Arceo |October 29,2021
facebook
share this

Lolit may advice kina Kylie at Aljur: Settle your own issues

Therese Arceo - October 29, 2021 - 01:38 PM

 Lolit may advice kina Kylie at Aljur: Settle your own issues

MAY mensahe ang manunulat at talent manager na si Lolit Solis kina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na hanggang ngayon ay mainit pa rin sa social media.

Sa kanyang Instagram account, nag-iwan ng mensahe si Lolit para sa dalawa.

“Basta sana Salve sila Aljur Abrenica at Kylie Padilla maging friends parin dahil dalawa ang anak nila. Kundi na talaga maaayos pa, go, hiwalay na. Baka nga sakali na mas maging maayos sila pag hiwalay na. Pero sabi ko nga, sana iyon maayos na hiwalayan,” panimula ni Manay Lolit.

Habang tumatagal kasi ay parang imbes na mamatay ang isyu ay parang mas lalo itong nagliliyab at sa bawat araw na lumilipas ay may nadaragdag at nagko-comment sa isyu ng dalawa kaya mas lalong humahaba at gumugulo ang sitwasyon.

Aniya, baka raw pagsisihan ng mga ito ang kanilang mga nasabi later on lalo na’t may dalawa silang anak na naiipit sa sitwasyon.

“Hindi kagaya ngayon na kung anuanong issue ang lumalabas, na later on baka pagsisihan nila bakit nila nasabi. Iyon dalawang anak nila, hanggang paglaki dadalhin iyon, kaya sana huwag maging masyadong traumatic para sa dalawang bata,” dagdag pa ni Manay Lolit.

Saad pa niya, huwag na rin daw magdamay ng ibang tao at silang dalawa na lang ang dapat mag-usap lalo na’t dati pa rin silang pamilya.

“Ayusin na lang mga bagay na dapat ayusin, huwag ipilit iyon hindi puwede, huwag magdamay ng ibang tao, kayong dalawa lang ang dapat nasa sentro ng relasyon nyo. Wala na dapat iba pang nadadamay. Mag usap kayo ng usapan ng dalawang matured na tao na dati ay isang pamilya. Settle your own issues. Goodluck.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


May mga netizens naman na natuwa sa tinurang ni Manay Lolit ngunit hindi rin maiiwasan na mabanggit ang kaibigan nito na si Cristy Fermin.

“Ganito sana na balita, ‘yung nasa gitna lang. Di gaya ni Cristy na epal. Sorry not sorry,” comment ng isang netizen.

“Then tell your bestfriend fermina to stop,” dagdag pa ng isang netizen.

Matatandaang naging mainit rin ang pangalan ni Cristy Fermin kaugnay sa isyu nina Aljur at Kylie matapos itong magsalita at sinabi sa kanyang programa na may source siyang nagsabi sa kanya na may kinakausap nang iba si Kylie habang nagsasama pa sila ng estranged husband na si Aljur.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito ay tinawag ni Kylie ang pansin ng kolumnista sa kanyang social media accounts ngunit kalaunan ay binura rin.

Related Chika:
Lolit iniimbitahan si Kylie sa kanilang programa; Naniniwalang mali si Aljur sa mga salitang binitiwan niya
Aljur matapos ang ‘breaking silence’ post: I can still say na she was the love of my life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending