Jayke Joson sinampahan ng cyberlibel si Annabelle Rama: Hindi ka rin namin aatrasan doon Bandera

Jayke Joson sinampahan ng cyberlibel si Annabelle Rama: Hindi ka rin namin aatrasan doon

Therese Arceo |October 27,2021
share this

Jayke Joson sinampahan ng cyberlibel si Annabelle Rama: Hindi ka rin namin aatrasan doon

Therese Arceo October 27, 2021 - 02:37 PM
Jayke Joson sinampahan ng cyberlibel si Annabelle Rama: Hindi ka rin namin aatrasan doon

Anabelle Rama, Manny Pacquiao, Jayke Joson

TRENDING ngayon ang talent manager at kabiyak ni Eddie Gutierrez na si Annabelle Rama matapos siyang sampahan ng kaso na cyberlibel ni Jayke Joson.

Ito ay dahil sa kanyang mahabang posts sa social media patungkol sa dating kasamahan ni Manny Pacquiao na si Jayke Joson. Bukod pa rito, inakusahan rin niya si Jayke na magnanakaw at hinanap rin nito ang P165 million na nawawala na galing umano sa Paradigm Sports.

Agad naman rumesbak si Jayke sa mga paratang ni Annabelle at hinamon ito na maglabas ng ebidensya dahil kung wala ay kakasuhan niya ito na siyang nangyari sa tulong ni Atty. Larry Gadon.

“Sinasabi niya na si Jayke ay isang alalay lamang at siya ay magnanakaw ng pera ni Manny Pacquiao. Yun ang pinaka-matindi dun eh, na inakusahan niya si Jayke ng pagiging magnanakaw at na si Jayke daw ay isang alalay lamang ni Manny Pacquiao.

“At itong mga tinuro niya na ito ay pinick up ito ng mga mainstream media. At napakasama ng sinabi niya roon. Aside from magnanakaw, siya ay manloloko, na kinukulimbat niya yung pera ni Manny Pacquiao, at na siya raw ay tinanggal ni Manny Pacquiao na hindi naman katotohanan sapagkat kusa si Jayke umalis,” saad pa ni Atty. Larry Gadon, official lawyer ni Jayke.

Dagdag pa niya, dapat raw ay pagbayaran ni Annabelle Rama ang ginawa niyong paninira sa kanyang kliyente.

“Yung mga nakikialam at nakikisawsaw na kagaya ni Annabelle Rama ay aming bibigyan ng leksyon at talagang aming idedemanda. Sapagkat napakatibay, sobrang tibay ng ebidensya laban sa kanya sapagkat sarili niyang account yun,” pagpapatuloy niya.

Hirit pa niya, hindi naman daw ni-repute ni Annabelle ang kanyang statements matapos itong ma-pick up ng mga news outlets kaya ito ay matibay at malakas na ebidensya para sa kaso.

“Yung mga statements niya would qualify as libel, bullying. Kaya ito ay aming tutuluyan, ninanais namin talaga dito, ang aming gustong mangyari dito ay maipakulong si Annabelle Rama.”

Sey naman ni Jayke ay sino ba si Annabelle Rama para manghimasok sa kanila ni Sen. Manny Pacquiao na para bang alam niya ang buong istorya tungkol sa kanilang dalawa na halos nagkasama ng 17 years.

“Nandoon ka ba noong nangangailangan ng pera si Sen. Manny Pacquiao at kami at kami ay halos magpakamatay para makapag-provide ng income? Nandon ka ba noon? Wala eh. Tapos magsasalita ka ng ganon?”

“Ipinaglalaban ko lang po ang pangalan ng mga magulang ko, ng mga kamag-anak ko na Joson tapos babahiran mo ng kasinungalingan at pagbibintang kasi gusto mo lang umepal. Hindi pupwede ‘yon at hindi ka rin namin aatrasan don,” maanghang na saad ni Jayke.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Annabelle Rama ukol sa kaso.

Bukas naman ang BANDERA sa pahayag ni Annabelle Rama ukol sa isyung ito.

Related chika:

Jayke Joson hinamon si Annabelle Rama na maglabas ng ebidensiya: Or I will sue them in court

Manny dinepensahan ni Annabelle; tinawag na sinungaling si Jayke Joson

Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending