Manny dinepensahan ni Annabelle; tinawag na sinungaling si Jayke Joson | Bandera

Manny dinepensahan ni Annabelle; tinawag na sinungaling si Jayke Joson

Therese Arceo |October 21,2021
facebook
share this

Manny dinepensahan ni Annabelle; tinawag na sinungaling si Jayke Joson

Therese Arceo - October 21, 2021 - 03:24 PM

Manny dinepensahan ni Annabelle; tinawag na sinungaling si Jayke Joson

MAINIT ngayong pinag-uusapan ng madlang pipol ang kontrobersya na kinasasangkutan ni Sen. Manny Pacquiao ukol sa diumano’y utang nito sa mga dating kasamahan.

Base sa naging pahayag ni Jayke Joson, dating kasamahan at kaibigan ni Manny, tinangay raw umano ng pambansang kamao ang P165 million na nakuha nito sa Paradigm Sports.

Kaya naman agad rumesbak si Annabelle Rama para ipagtanggol si Pacman sa mga akusasyon ng mga dating kasamahan laban sa senador at boksingero.

Sa kanyang Instagram account ay sunud-sunod ang naging maaanghang na pasabog ni Annabelle ukol sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Manny.

Sinupalpal nito ang naunang pahayag ni Jake na nangutang at nagsanla ito ng kanyang bahay para itulong kay Manny.

“Sabi mo nangungutang ka, nagsana ka ng bahay para itulong kay Manny? Tama ka sinangla mo ang bahay mo dahil sa pagsusugal mo. Baka nakalimutan mo, dumating ang ‘sheriff’ sa bahay at pinalabas ang gamit mo,” saad ni Annabelle.

“Habang pinapalabas ang nga gamit ko, finorward mo kay Manny ang video. Binigyan ka ni Manny ng 10M pangbayad sa loan mo, para hindi mawala ang bahay mo. After 2 days pumunta ka sa Dasma, sa house ni Sen. Manny umiiyak at nagmamakaawa ulit,” dagdag pa niya.

Aniya, nasa bahay siya noon ni Manny nang pumunta si Jake para magmakaawa na dagdagan pa ng P5 million ang ibinigay nito dahil kulang pa ang pera niya.

Nandidiri raw umano ang ina nina Ruffa kay Jake dahil parang babae ito na nag-iiyak para lang mabigyan muli ng pera.

Dagdag pa nito, hindi raw kasi matanggap ni Jake na inalis siya sa team ni Pacquiao dahil sa pang-aabuso nito sa kabaitan ng boksingero.

Malaki rin daw ang kickback nito sa lahat ng naging transaksyon ni Manny sa pakikipag-boxing pati na rin sa mga naging endorsements ng senador.

“I-compute mo for how many years mo ng ginagamit ang Boss mo. 26years si Manny sa boxing. Lahat ng bibilhin ni Manny. Lagi kang may commission. Over pricing pa yung bahay ng boss mo sa America, magkano kinita mo. yung bahay ni Manny sa Forbes, over pricing din. Magkano ulit ang kinita mo.

“Sa pagtitiwala ni Manny sa iyo pinabayaan kang maki pag negotiate sa lahat. I’m sure meron nagbayad sa iyo, para siraan si Manny. Matagal ka ng sinipa ngayon kalang nagsalita? Magkano ang nakuha mo,” sabi pa niya.

Naniniwala raw siya na may nagbayad kay Jake na kalaban ni Pacquiao para siraan siya lalo na at nalalapit na ang eleksyon.

Matatandaang nag-file ang senador ng certificate of candidacy sa pagka-presidente sa darating na 2022 national elections.

Karagdagang ulat:

Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Annabelle Rama binanatan ang isang salon owner: Ginulo mo ang buhay ko

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending