Tom kay Carla: Papatalo ba ako sa ganda ni misis? Eh di resbakan natin! | Bandera

Tom kay Carla: Papatalo ba ako sa ganda ni misis? Eh di resbakan natin!

Ervin Santiago |October 25,2021
facebook
share this

Tom kay Carla: Papatalo ba ako sa ganda ni misis? Eh di resbakan natin!

Ervin Santiago - October 25, 2021 - 11:36 AM

Carla Abellana at Tom Rodriguez

IBINANDERA ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez ang kanyang groom look sa Instagram na pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens.

Hindi nagpatalbog ang aktor sa kanyang napakagandang bride na si Carla Abellana na talaga namang maladyosa rin ang aura sa kanilang intimate church wedding.

Bonggang-bongga si Carla sa kanyang Monique Lhuillier wedding gown habang ang kanyang groom naman na si Tom ay guwapung-gwapo sa suot na all-black suit na gawa ni Francis Libiran.

Ang caption ni Tom sa kanyang IG photo, “Flex ko lang na ikinasal ako kagabi sa isang napakagandang binibini.”

Hirit pa niya, “Officially, nabakuran ko na sa wakas! Pero syempre papatalo ba ako sa ganda ni misis? Eh di resbakan natin!” 

Nagpasalamat din ang Kapuso star sa kanyang glam team kabilang na ang makeup artist na si Lala Flores at hairstylist na si Erlie Bentayao.

“Thank you for making me look and feel every bit as worthy for my beautiful bride/wife. WOOOOOOOOOOOT KASAL NA KAMI!!!!!!” mensahe pa ni Tom.

View this post on Instagram

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Naganap ang kasal ng celebrity couple sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands kung saan ang naging officiating priest ay si Bishop Teodoro Bacani.

Base sa mga naglabasang litrato sa ilang Instagram account ng mga nakadalo sa wedding nina Carla at Tom, talagang mahigpit na sinunod ng lahat ng dumalo sa wedding ang health at safety protocols.

Bilang ang mga kapamilya at malalapit na kaibigan ng bagong kasal ang imbitado dahil nga sa ipinatutulad na health protocols dulot ng COVID-19 pandemic.

Makikita rin sa wedding photos ng celebrity couple na sinunod ng mga bisita ang social distancing at pagsusuot ng face mask sa loob ng simbahan.

Karamihan sa nakita naming mga pictures sa kasal ay mula sa official photographer nina Carla at Tom na si Pat Dy at ng kanyang team.

Sa isang video na in-upload sa IG,  mapapanood ang paghahatid sa kanya ng amang aktor na si PJ Abellana at inang si Rea Reyes patungo sa altar.

Makikita naman si Tom na naghihintay sa kanyang napakagandang bride na nakangiti at tila maiiyak na.

Nag-propose si Tom kay Carla noong March, 2021 matapos ang pitong taong relasyon bilang magdyowa. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimula ang kanilang love story nang magkasama sa hit Kapuso series na “My Husband’s Lover” na umere noong 2013 kung saan nakasama rin nila ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending