Ariella nag-audition daw sa ‘Darna’ bilang Valentina: My God! Sana nga po, ipagdasal po natin!
Ariella Arida
PASADO sa mga netizens ang aktres at dating beauty queen na si Ariella Arida bilang Valentina sa bagong TV remake ng iconic Pinay superhero na “Darna.”
Pagkatapos nilang mapanood ang dalaga sa kontrobersyal at pinag-uusapan pa ring pelikula ng Viva Films na “Sarap Mong Patayin” ay marami ang nagkomento na pwede na rin siyang makipagsabayan sa aktingan.
Sa ginanap na virtual mediacon kamakailan para sa upcoming offering ng Viva Films na “More Than Blue” starring JC Santos and Yassi Pressman, natanong si Ariella kung keri ba niyang gumanap na Valentina sa “Darna: The Series” ng Kapamilya Channel.
May chika kasi na ipinatawag daw ang dalaga ng production para mag-audition sa Valentina role pero hindi niya ito dinenay o kinumpirma.
Ibinandera na kamakailan ng ABS-CBN ang mga makakasama ni Jane de Leon na gaganap ngang Darna sa serye ngunit wala pang ina-announce kung sino si Valentina, ang gaganap na main kontrabida sa bagon version ng “Darna.”
“Oh my gosh! Kinilig ako. Ha-hahaha! My God! Sana nga po, ipagdasal po natin. Salamat, naisip n’yo. Salamat po sa tanong, nagbigay ‘yan ng idea,” ang tuwang-tuwang reaksyon ni Ariella na itinanghal na third runner-up sa Miss Universe 2013 pageant.
In fairness naman kay Ariella, talagang may karapatan naman siyang maging artista dahil may ipagmamalaki rin siyang talent sa pag-arte at kapag nabigyan pa siya ng maraming mas magagandang project siguradong malayo rin ang kanyang mararating bilang aktres.
Aminado naman siya na hindi rin naging madali para sa kanya ang pagpasok sa showbiz, “Marami na po akong pinagdaanan bago po ako naging komportable with what I’m doing now, and nakita po ‘yan ng mga dati kong katrabaho.
“Siguro dahil once na nanalo ka sa pageant, nae-expose ka in the industry as well. Totoo naman po talaga, yung opportunities dumarating kahit hindi mo inaasahan.
“Pero yung acting, hindi ko po inaasahan. Well, actually, kahit yung pagsali ko sa pageant. Ako kasi, basta may opportunity na dumating, hindi na ako para tumanggi pa diyan.
“Kahit sabihin ko na acting is not for me dahil hindi ko talaga nakita ang sarili ko to act. May ganoong awkwardness, hindi ako confident,” pahayag pa ni Ariella.
Patuloy pa niyang chika, “But one of the lessons na natutunan ko is it takes experience, a lot of practice, and hardwork.
“Super thankful ako and since nandito na, ayokong i-treat na basta-basta lang ang acting. So, I am doing my best na maipakita sa mga tao na I can do this at deserve ko to be here.
“I’m really thankful sa lahat ng mga project na naibibigay sa akin at sa mga co-actor na nakakatrabaho ko dahil sobrang suwerte ko na lahat sila mahuhusay,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/293945/ariella-arida-sa-halikan-nila-ni-lassy-pinakamalansa-sa-lahat-ng-malansa
Bukod kina Ariella, Yassi at JC, makakasama rin sa “More Than Blue” si Diego Loyzaga, sa direksyon ni Nuel Naval at mula sa panulat ni Mel de Rosario.
Ang “More Than Blue” ay South Korean drama classic na ipinalabas noong 2009, in-adapt naman ito sa Taiwan taong 2018. Mainit ang naging pagtanggap dito, sa katunayan naging domestic highest-grossing film ito ng Taiwan na may halos $300 Million gross sa taong iyon.
Naging worldwide phenomenon ito na may blockbuster screenings sa East Asian countries kabilang ang China, Hong Kong, Malaysia, at Singapore, at nakapagtala ito bilang highest-grossing Taiwanese film sa mga bansang nabanggit.
Save the date na para sa #WasakPusoDay ngayong Nov. 19, panoorin ang Philippine adaption ng “More Than Blue” sa Vivamax, available ito online sa web.vivamax.net o kaya naman ay i-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store at App Store.
https://bandera.inquirer.net/295275/ariella-arida-kay-miss-universe-ph-bea-gomez-i-have-nothing-against-her-being-openly-gay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.