Kylie Verzosa 'nadamay' sa Aljur-Kylie scandal: Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko? | Bandera

Kylie Verzosa ‘nadamay’ sa Aljur-Kylie scandal: Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?

Ervin Santiago |October 24,2021
facebook
share this

Kylie Verzosa ‘nadamay’ sa Aljur-Kylie scandal: Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?

Ervin Santiago - October 24, 2021 - 08:25 AM

Kylie Verzosa, Aljur Abrenica at Kylie Padilla

SA gitna ng patuloy na pag-init ng iskandalong kinasasangkutan ng naghiwalay na mag-asawang sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ay nadawit din pala ang actress-beauty queen na si Kylie Verzosa.

Bentang-benta sa netizens ang paandar na “mistaken identity” sa bangayang Aljur-Kylie na sinakyan naman nang bonggang-bongga ng ating Miss International 2016.

Kanya-kanyang comment ang mga fans at supporters ng girlfriend ni Jake Cuenca sa kanyang Instagram account matapos ngang madamay ang pangalan niya sa malateleseryeng break-up story nina Kylie at Aljur.
Muling uminit ang usapin sa paghihiwalay ng ex-couple nang hamunin ng hunk actor ang kanyang estranged wife na aminin sa madlang pipol kung sino talaga ang unang nagloko.

Ang tatay ni Kylie na si Robin Padilla ang unang nagkumpirma na naghiwalay na ang aktres at si Aljur at inamin nga nitong nagkaroon ng ibang babae ang aktor.

At habang painit nang painit ang isyu, parami rin nang parami ang nakikisawsaw at nadadamay dito, kabilang na nga ang kapangalan ng anak ni Binoe na si Kylie Verzosa.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kylie ang screenshot ng palitan nila ng message ni Senyora, ang kilalang satirical social media character na mahilig makisawsaw sa mga maiinit na issue sa showbiz at politics.

Ipinadala ni Senyora kay Kylie Verzosa ang isang quote card ni Aljur kung saan hinahamon nga nito ang asawa na sabihin sa publiko kung sino sa kanila ang unang nangaliwa.

Hamon naman ng sikat na social media character sa dyowa ni Jake, “Hoy Kylie sabihin mo raw samin!” Na sinagot naman ng dalaga ng, “Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?”

Sey pa ng beauty queen-actress, “Sabog na naman notification ko nito.” Sinundan pa niya ito ng mensaheng  “Wala sakin ang sagot,” gamit ang laughing with tears emojis.

Maraming netizens ang sumakay sa biruan nina Senyora at Kylie, sabi ng isang IG follower ng aktres, “Kylie, umamin kana po. Nagsalita na si Aljur. Maawa ka naman sa tao pls!”

“Hinihintay namin ang sagot mo kay Aljur Ms Kylie! Sino po ba talaga ang unang nagloko sa inyo? Ito na ang tamang panahon para sa mas malakas na pasabog!” sabi naman ng isa.

“Sana iaddress mo din yung accusations ni aljur. Break your silence too!” ang pagsakay pa ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bat kaba nag cheat kay Aljur Kylie? Ika ba talaga ang first na naghanap ng iba?” ang chika pa ng isang sumakay sa biruan ng aktres at ni Senyora.

Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending