Netizens curious sa pinsan ni Kylie na si Princess Paulino | Bandera

Netizens curious sa pinsan ni Kylie na si Princess Paulino

Reggee Bonoan |October 21,2021
facebook
share this

Netizens curious sa pinsan ni Kylie na si Princess Paulino

Reggee Bonoan - October 21, 2021 - 06:32 PM

Netizens curious sa pinsan ni Kylie na si Princess Paulino

SINO si Princess Paulino? Ito ang tanong ng lahat dahil bigla-bigla na lang siyang sumulpot at ipinagtanggol na sinabing pinsan siya ni Kylie Padilla dahil tinawag niyang Tito si Robin Padilla.

Kamakailan ay nag-post si Aljur Abrenica sa kanyang Facebook account ng mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ng asawang si Kylie.

Bagay na ikinagulantang ng lahat dahil pinalabas ng aktor na ang ina ng dalawa niyang anak ang unang nangaliwa at saka ipinaliwanag ang lahat.

Kinontra naman ito ng sinasabing pinsan ni Kylie na si Princess Paulino na hindi totoo ang paratang ni Aljur at sa katunayan ay ang aktor ang nag-cheat ng maraming beses bukod pa sa may mga utang siya sa asawa at hindi siya siniraan.

Kasalanan umano ni Aljur kung bakit siya bina-bash ngayon dahil ipinangalandakan niya ang bago niyang girlfriend na si AJ Raval na anak ni Jeric Raval na aniya ay kaibigan niya si Robin Padilla na ama ni Kylie.

Anyway, may tinanungan kaming malapit sa Padilla family at tinanong namin kung kilala niya si Princess Paulino at sino ang ama nito dahil lumalabas na pinsan siya ni Kylie sa pagkakatawag niya ng ‘tito’ sa tatay ng aktres.

Pero ang sagot sa amin ng aming natanungan, “Hindi ko alam eh dami nilang kamag anak.”

Sa madaling salita, hindi ito direktang pamangkin ng magkakapatid na Rommel, Robin, BB Gandang hari at ang nasirang Royette Padilla.

Baka naman pamangkin sa pinsan pero negatibo pa rin ang sagot sa amin.

Baka pamangkin sa tuhod at concerned lang sa pinsang si Kylie na tama rin naman dahil hanggang ngayon ay walang direktang sagot ang aktres sa pasabog ng dating asawa maliban sa tweet niyang ‘#passdivorcebill.’

Anyway, sana nga magpakilala itong si Princess Paulino para naman malaman ng tao na totoo siya at hindi peke.

Karagdagang ulat:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinsan ni Kylie, rumesbak sa viral post ni Aljur
Sophie Albert isinilang na ang ‘baby princess’ nila ni Vin Abrenica

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending