Ano ang matagal nang hiling ni Daddy Bae na gustong tuparin ni Alden? | Bandera

Ano ang matagal nang hiling ni Daddy Bae na gustong tuparin ni Alden?

Ervin Santiago |October 18,2021
facebook
share this

Ano ang matagal nang hiling ni Daddy Bae na gustong tuparin ni Alden?

Ervin Santiago - October 18, 2021 - 09:24 AM

Alden Richards at Richard Faulkerson, Sr.

NATUPAD na ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang pangarap ng kanyang yumaong ina na maging artista siya kaya ang wish naman ng ama ang pagsisikapan niyang tuparin.

Nakachikahan muli ng ilang miyembro ng entertainment media ang Pambansang Bae matapos mag-renew ng exclusive contract  sa GMA 7 kung saan ipinagdiinan niya na mananatili siyang Kapuso hanggang sa katapusan ng kanyang career.

Bukod sa pagbabalik sa GMA Telebabad ng kanyang teleseryeng “The World Between Us” kasama sina Jasmine Curtis at Tom Rodriguez, tuloy na tuloy na rin ang pelikulang gagawin nila ni Bea Alonzo.

May isa pa raw malaking proyekto na inihahanda ang GMA para kay Alden na siguradong ikatutuwa at ikagugulat ng kanyang mga fans.

Pero kung may isa pang bagay na nais matupad ng Asia’s Multimedia Star, ito ay ang maka-graduate sa college.

“Ang gusto ko pang ma-add sa ginagawa ko is to finish school. I’ve been working on it lately. I’ve been studying and collecting data kung magkaroon man ako ng free time is to really finish school,” pahayag ni Alden.

Aniya pa, “Ang gusto ko kasi i-major is Business Economics, like stock market. Anything that involves yung ekonomiya ng isang bansa. It’s very interesting to see.

“Parang with those knowledge kasi, I will know that my country and other countries are performing well. Isa yun sa mga plans ko in the near future,” dagdag pa ng premyadong aktor.

Alden wala pa ring lovelife: Magti-30 na ako, it’s about time na ako naman

Ayon pa kay Alden, nabigyang-katuparan na niya ang pangarap ng inang si Rosario Faulkerson na  maging artista siya kaya ngayon naman, ang matagal nang hiling ng tatay niyang si Richard Faulkerson Sr., o Daddy Bae ang tutuparin niya, ang mabigyan ito ng diploma.

“Kung yung mom ko po is yung dream niya sa akin is to be successful in the field of entertainment, yung dream naman ng diploma is for my dad. Siya naman ang may gusto.

“RJ po kasi ang tawag niya sa akin. Sabi niya, ‘J, kahit anong mangyari, tapusin mo ang pag-aaral mo.’

“Ako naman, bilang anak na mahilig mag-fulfill ng dreams ng magulang, ibigay ko na sa ‘yo,” sey pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa sa mga panuntunang sinusunod sa buhay ng Kapuso Drama Prince para makamit ang tagumpay ay ang pagsunod at pagrespeto sa mga magulang. 

“Anything you do, and you do it for your family and your loved ones, and you put the Lord in it, you will be successful in that field,” pahayag pa ni Alden.

Bea ipapasok daw sa serye nina Alden at Jasmine; Gerald kinampihan ni RR Enriquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending