PASABOG ang ibinahaging balita ng kauna-unahang gold medalist na si Hidilyn Diaz ukol sa relasyon nila ng coach at dyowang si Julius Naranjo.
Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi nito na engaged na sila ng dyowa niya na naganap noong Biyernes, Oktubre 15.
“It’s [a] YES!” saad ni Hidilyn.
“It was a magical moment with @imjulius.
“I’m grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy, alam ng iba kung ano mga sinasakripisyo niya para maabot namin ang pangarap na ginto sa Olympics together with #TeamHD.
“Siya mismo nagsabi ‘God is the center of our relationship’, kaya walang duda magYeYES ako dahil swerte ako may isang Julius [na] nagmamahal, nag-intindi, at sumuporta sakin,” saad ni Hidilyn.
Sa huli ay pinasalamatan rin nito ang mga naging kasabwat ng fiancé.
Mukhang ang tinutukoy niya ay sina Iza Calzado, Joross Gamboa, Lara Quigaman, at Marco Alcaraz na under sa management ni Noel Ferrer.
Present kasi ito sa videos na ibinahagi ng talent manager sa kaniyang Instagram account kung saan makikita silang nagkukulitan at tuwang-tuwa sa newly engaged couple.
Sa post naman ni Julius, ibinandera ng gold medalist ang kaniyang engagement ring at ang kaniyang gintong medalya.
“There’s a first in everything,” saad nito.
Bumuhos naman ang mensahe ng mga kaibigan at taga-suporta sa dalawa.
“Your joy is ours. Congratulations,” comment ni Gretchen Ho.
“So happy and honored to witness this golden moment in your lives. Kilig pa rin ako for you guys! Again congratulations @imjulius and best wishes @hidilyndiaz,” saad naman ni Iza Calzado.
Isa si Julius Naranjo sa mga nakasama ni Hidilyn sa kaniyang journey para sa pagkamit ng kanyang gintong medalya sa nagdaang Tokyo 2020 Olympics.
Karagdagang ulat:
Hidilyn super lafang ng pizza, sushi at udon matapos ang laban sa Tokyo Olympics; boyfriend-coach proud na proud
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.