Hidilyn super lafang ng pizza, sushi at udon matapos ang laban sa Tokyo Olympics; boyfriend-coach proud na proud
ISANG slice ng pizza, sushi at isang bowl ng udon ang unang kinain ni Hidilyn Diaz matapos makuha ang pinakaaasam na gintong medalya sa Tokyo 2020 Olympic Games.
Magkasalong kumain ang Pinay champ at ang boyfriend niyang si Julius Naranjo na siya ring tumatayong coach niya para sa nasabing international sports event.
Sa pamamagitan ng isang vlog, ibinahagi ni Hidilyn ang ilang kaganapan matapos makuha ang record breaking na 127kg sa clean and jerk sa Tokyo Olympics.
Dito nga niya ipinakita ang una niyang meal ilang oras matapos ang kanyang makasaysayang laban. Magkasama nga silang nagtungo ni Julius sa main dining hall ng Tokyo International Forum na inilaan para sa mga Olympians.
Inilibot ni Hidilyn ang kanyang mga fans sa lugar kung saan nga kumakain ang mga Olympian. Pagkatapos kasing kumuha ng pizza, hinanap agad niya ang Japanese cuisine counter kung saan siya kumuha ng sushi at udon.
“Alam n’yo kung saan ko gustong kumuha, kumain — Japanese cuisine. Iyan, Japanese cuisine. This is the place I want to go. Siyempre my sushi give me some sushi! Gusto ko rin ng udon kasi Japanese ito,” pahayag ni Hidilyn.
Sa isang bahagi ng video, nagmistula namang reporter ang Pinay athlete nang tanungin niya ang kanyang boyfriend-coach kung ano ang reaksiyon nito na nasungkit niya ang gintong medalya.
“What is your reaction today after I lift the 127? Did you believe it?” tanong ni Hidilyn kay Julius.
“I believed it. The moment you stood it up, I knew you’re gonna jerk it,” tugon naman nito. Ang tinutukoy niyang “Jerk” ay ang final pose sa clean-and-jerk lift kung saan naingat na ng weightlifter ang barbell sa taas ng kanyang ulo.
“What did you do in the adjustment in training? What are the challenges you’ve been through? Who are the people behind us?” tanong uli ni Hidilyn sa kanyang coach.
“We have Team HD. So we just try to make sure that you hit 90 in training, 94 in training twice for our heavy loads.
“We just built your confidence. Your physical strength is there, but if you’re not confident then you can’t use it to your full potential,” sagot uli ni Julius.
Samantala, kinumpirma naman ni Hidilyn na binabalak nga niyang gumawa ng libro tungkol sa naging journey niya bilang Olympian.
“Abangan n’yo rin na iinterbiyuhin ko rin ang Team HD. Sabi ko gagawa kami ng libro. Team HD, the dream team after kong manalo to give inspiration sa mga bata. Sa mga opisyal and everyone in Philippines.
“Para malaman nila ano ba ang mindset ng isang Olympic champion. Sana bibili kayo kapag may libro na,” aniya.
“Gusto ko ring malaman ano ang nasa isip nila kasi ang last time na [na-frustrate] ako, sabi ‘Alam mo Hids, OK lang ‘yan masyadong mataas ang standard mo.’ And ganoon talaga kaya nga Olympian,” dugtong pa niyang pahayag.
Sa tanong naman ni Hidilyn kay Julius na, “Are you happy?” “Of course,” tugon ng kanyang coach.
Sey pa ni Hidilyn, “Thank you so much, coach! At sa lahat po, I want to say thank you, everyone. Love you!”
Mahigit sa P35 million na ang naghihintay na cash incentive sa pagbabalik ni Hidilyn sa bansa. Bukod pa riyan ang iba pang regalo na ibibigay ng ilang private companies sa kanya tulad ng condo unit, unlimited flights sa isang airline company at house and lot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.