Bianca Gonzalez nababahala sa mga mahihilig magmura sa socmed | Bandera

Bianca Gonzalez nababahala sa mga mahihilig magmura sa socmed

Therese Arceo - October 15, 2021 - 04:02 PM

Bianca Gonzales smiles at the camera. She is wearing a necklace that matches her light blue top.

NABABAHALA ang TV host na si Bianca Gonzalez sa mga taong mahilig magmura at magsalita nang hindi maganda sa social media.

Marami na kasi sa mga netizens ang nahihilig na sa pagko-comment ng mga derogatory words sa social media.

Dagdag pa niya, mas nakakabahala pa raw ito dahil kapag tinignan ang profile ng nag-comment ay mga magulang na pala ito o kaya’y may naka-post na bible verse sa kanilang account.

“Nakakabahala na “normal” na sa ilang tao yung magco-comment ng “b0b0” or “tan*@” or “g@**” at lalo kapag chineck mo ang profile nila at magulang pala siya ng maliliit pang bata o di kaya’y may bible verse ang bio,” saad niya sa Twitter.

Marami naman ang sumang-ayon kay Bianca at ang ilan nga ay nagkuwento pa ng kanilang personal na experience.

“Nag congratulate nga lang ako kay @mariaressa sa fb, katakot takot na bashing and name calling na inabot ko. Nakakabahala kasi nakikita ng mga bata. Real or trolls, ginawa nilang normal ang mga salitang yan. As above so below. Ginawang normal ng presidente eh,” saad ng isang netizen.

May ilan rin na nagsabi na nagiging ugali na nga raw ‘yun nang marami lalo na sa panahon ngayon kung saan nagkakaroon ng pagkakaiba sa mga sinusuportahan ngayong darating na eleksyon.

“So true. Nag comment lang ako sa picture ng 6 na presidentiables about corruption. Wala naman akong pinangalanan. Grabe ang reply sa akin ng isang netizen…no. 1 supporter yata ng isa sa mga presidentiables. Lahat ng mura ipinamukha sa akin,” bahagi ng netizen.

“Naalala ko nung kahit panahon ni PGMA at PNOY. May diskurso na rin sa net pero hindi ung ganitong kabalahura. Nakakapag debate ng maayos. Kahit mainit na, wala pa ring murahan. Ngayon you can’t reason with people if your color is not same as theirs,” sey naman ng isang netizen.

Sana raw ay iwasan na ang ganito dahil lahat naman tayo ay nagnanais ng maayos at magandang kinabukasan para sa atin at sa mga susunod pang henerasyon ngunit hindi ito makakamit kung mananatili ang ganitong asal ng mga Pilipino.

Karagdagang ulat:
Bianca Gonzalez binanatan matapos magkomento sa pagkapanalo ni Hidilyn sa Tokyo Olympics
Bianca dumepensa sa bashers ng PBB: It’s not an artista search

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending