Bianca dumepensa sa bashers ng PBB: It’s not an artista search | Bandera

Bianca dumepensa sa bashers ng PBB: It’s not an artista search

Ervin Santiago - September 07, 2021 - 08:54 AM

Bianca Gonzalez, Maymay Entrata at Kim Chiu

HINDI rin in-expect ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez na  magkakaroon agad ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” ang ABS-CBN.

Nagsimula na ang auditions para bagong season ng longest-running reality show sa bansa ilang buwan matapos ang naganap na Big Night para sa “PBB: Connect”. 

Ayon kay Bianca, na isa sa mga host ng programa na dati ring housemate ni Big Brother, “Siyempre nu’ng nagbubuyuan kami after nu’ng Big Night, hindi naman namin akalain na agad-agad season 10 kasi nga pandemya, ang daming pinagdadaanan ng kumpanya and ang hirap.

“Season nine was so difficult on so many levels. Most especially para dun sa team. So nu’ng finally inannounce na, may mediacon na, nagka-reunion party kami last Friday via Kumu and du’n ko talaga nalaman na totoo na talaga ito,” pahayag pa ni Bianca.

Patuloy pa niya, “Kasi in-announce na talaga and I think aside sa saya namin as a PBB family for the gratefulness to be together again, kita mo yung saya ng tao. 

“May mga nagre-reply na ‘Ako na, ako na ang susunod na housemate ni Kuya!’ or may mga fans na sobrang excited na sumaya, ma-inspire. 

“Kasi in the middle of everything na pinagdaraanan namin grabe yung joy, yung inspiration, yung hope na nabigay nung last season sa napakaraming manunuod. So yun yung isa pa talaga na effect na tuwang tuwa kaming lahat,” aniya pa.

Dumepensa naman si Bianca sa mga nagsasabi na ang mga nakakapasok lang sa “PBB” ay ang mga mukhang celebrities.

“Marami ring nag-tweet sa akin na, naku puro’t maganda’t guwapo na naman ang kukunin mga ganyan and I think time and time again season after season, bonus para sa amin yung may biglang sisikat at magsoo-showbiz after. Pero kapag kina-cast yung mga housemates, hindi yun yung goal.

“I’ve seen the casting process kasi and ang goal, ang top priority talaga is trying to get yung good mix. And kahit papaano TV show pa rin siya kaya siguro may napapasok na magaganda at guwapo. 

“Which is also by the way relative kung ano ang maganda at guwapo. Pero bonus talaga na nagiging artista sila after kasi there are so many housemates na good looking pero hindi naman pinursue ang showbiz after. 

“So it’s not an artista search but I don’t necessarily think it’s a bad thing na may mga nagbabago ang buhay at nagiging mga Kim Chiu at Melai Cantiveros after the season,” paliwanag ng TV host.

Pagbabahagi pa niya, “Ang natutunan ko naman, ang tao iba-iba ng level ng gusto nilang i-share sa publiko. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung iba sobrang private, yung iba naman kahit bawat segundo ng araw nila sini-share nila. Ito fun fact, ang season nina Commander Nene 16 years ago so ang mga batang pinanganak nung season one puwede na mag-audition sa Teen Edition ngayon. Ganu’n na katagal!” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending