Lovely, Benj nagpa-bless na ng dream house, nagpaagaw pa ng pera sa kamag-anak Bandera

Lovely, Benj nagpa-bless na ng dream house, nagpaagaw pa ng pera sa kamag-anak

Therese Arceo |October 13,2021
share this

Lovely, Benj nagpa-bless na ng dream house, nagpaagaw pa ng pera sa kamag-anak

Therese Arceo October 13, 2021 - 04:21 PM

MARAMI ang na-inspire ng mag-asawang sina Lovely Abella at Benj Manalo dahil sa success ng kanilang pag-o-online selling.

Dahil na rin sa kanilang sipag at tiyaga ay marami na rin ang naging investments ng mag-asawa kasama na rin ang kanilang bagong bahay na kamakailan ay ipina-bless na nila.

Noon pa man ay bukas na ang dalawa na ang bagong bahay nila ay bunga ng kanilang determinasyon at pagpupursige sa kanilang online selling business.

Ibinahagi naman ng dalawa sa kanilang Instagram account kung gaano sila ka-grateful sa kanilang natatamong blessings.

“Still can’t believe it. Praise God for this wonderful blessing. Thank you Lord for using out family to share blessings to our loved ones, family, friends, and people around us,” saad ni Benj.

“Salamat sa napakagandang blessing sa aming mag-asawa, nagpapatunsy na kung may tiyaga may nilafq, nagpapatunay na lumaban tayo sa buhay, ginamit namin ng tama at maayos ang talentong binigay samin ni Lord,” saad naman ni Lovely.

At bilang parte rin ng selebrasyon nila, nagpalaro rin ang aktres kung saan nagpaagaw ito ng pera sa mga kamag-anak na kasama nila nang ipa-bless ang bahay.

Sa mga ibinahaging video ni Lovely ay kitang kita ang saya ng kanilang pamilya habang abala sa pagkuha at pakikiagaw ng perang ipinapamahagi ng aktres.

“Walang kasing saya ‘pag game ang buong pamilya,” sey ni Lovely.

Nilinaw naman ni Lovely na lahat sila na dumalo sa house blessing ay nagpa-swab test at vaccinated.

Si Lovely ay unang nakilala sa “Wowowee” kung saan isa siya sa mga dancer ng programa. Kalaunan ay pinasok ang mundo ng showbiz at naging sidekick sa mga pelikula. Higit itong nakilala nang maging bahagi ng blockbuster film na “Hello Love, Goodbye” na pinagbidahan nina Kathryn Bernando at Alden Richards.

Si Bej Manalo naman ay isa sa mga anak ng komedyanteng si Jose Manalo na pinasok rin ang mundo ng showbiz.

January 2021 nang nagpakasal ang dalawa na dinaluhan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Si Kathryn rin ang nagregalo ng naging wedding gown ni Lovely.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending