Angeline umaming 1 year nang may dyowa: Nakilala siya ni Mama Bob, kilig na kilig nga, eh! | Bandera

Angeline umaming 1 year nang may dyowa: Nakilala siya ni Mama Bob, kilig na kilig nga, eh!

Reggee Bonoan |October 12,2021
facebook
share this

Angeline umaming 1 year nang may dyowa: Nakilala siya ni Mama Bob, kilig na kilig nga, eh!

Reggee Bonoan - October 12, 2021 - 04:41 PM

Angeline Quinto

INAMIN ni Angeline Quinto na isang taon na sila ngayon ng boyfriend niya at bago nawala ang adoptive mother niyang si Mama Bob noong Nobyembre, 2020 ay nagkakilala na sila ng lucky guy.

Napaamin namin ang dalaga sa isinagawang virtual mediacon ni Angeline para sa nalalapit niyang 10-part concert series na may titulong “10Q” na gaganapin sa MET Theater (dating Metropolitan Theater) simula Okt. 29, 2021 hanggang Peb. 19, 2022.

Nabanggit ni Angeline na may sorpresa siya sa show at ipakikilala na rin niya ang kanyang karelasyon, “Oo ate Regs iisa siya pero may ibang bagay pa rin akong surprise para sa mga manonood.” 

Diretsong tanong namin kung sila na ng sinasabi niyang inspirasyon. “Kabog diretsahan!” natawang sabi ni DJ Jhaijo.

“Siyempre kami na ate Regs, nagsabi na ako sa ‘yo. Ang tagal mo na kasi akong hindi kinausap!” nakangiting sagot ni Angge.

Biniro namin na ang tagal din kasi niyang nawala, “Nagpahinga lang ako nu’ng nawala ang Mama Bob, hindi naman ako sumama kay Mama.”

“Matagal na ba kayo?” tanong namin sa dalaga, “Sa ngayon (nag-isip) halos isang taon mahigit po.”

Sa madaling salita nakilala ito ng Mama Bob niya bago namaalam, “Opo,” sabi ng mang-aawit.

Boto naman ba ang ina sa boyfriend niya? “Opo, kinikilig nga siya, eh, parang siya ang dyowa,” natawang sagot ulit ni Angeline.

Nabanggit namin na kaya pala sinagot kami ni Erik Santos nu’ng batiin namin siya nitong Okt.10 ng “happy birthday” at kung wala pa ba si lucky girl ay sinagot kami ng, “Lagi namang nauudlot ang lovelife. Ha-hahaha!”

Kaya pala nasabi ito ng binatang singer kasi wala na pala siyang aasahan kay Angeline. Nasabi noon ni Erik na kapag nagkaroon siya ng girlfriend ay yayayain na niyang pakasal pero hindi pa handa noon ang dalaga dahil marami pa siyang obligasyon na kailangang unahin.

“Sinabi niya ‘yun (naudlot)?” tanong ni Angge. “Ate Regs, hindi naman porket sinabi ni Erik na nauudlot, e, ako ang dahilan. May mga bagay din kasi na ‘yung sa amin ni Erik, sa amin lang. Kung anong meron sa amin ni Erik ngayon ay maayos po kaming magkaibigan. Saka baka ‘yung sinasabi niyang naudlot, baka hindi ako ‘yun ah?”

Samantala, sa kanyang “10Q” concert ay maraming bagong ipapakita si Angeline na hindi pa niya nagawa sa mga hit concerts niya sa Araneta Coliseum at sa ibang bansa.

“Sasayaw po ako na hindi ko pa nagawa, hataw kasama ang D’Grind. Wala akong palipad-lipad (harness) pero marami akong sinubukang gawin dito na hindi ko nagawa tapos guest ko rin sina Sir Andrew E at kuya Luis (Manzano),” ani Angeline.

Ang D’Grind ang nakasama ni Maja Salvador sa “Maja Moves” sa J. Lo’s Super Bowl Halftime show dance cover na in-upload ng aktres sa kanyang YouTube channel noong Hunyo.

Lahat ng naging parte sa 10 years ni Angeline sa industriya ay guest niya sa show at hoping din siya na makasama si Coco Martin dahil nga sobrang busy pa nito sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ang aktor ang unang nakasama ni Angeline sa pelikulang “Born For You” hanggang sa nagtuloy na siya sa teleseryeng “Kahit Konting Pagtingin” kasama sina Sam Milby at Paulo Avelino.

Inamin din ni Angeline siya mismo ang kumakausap sa mga guest niya kasama na ang Megastar na si Sharon Cuneta dahil parte siya ng programang “Star Power” kasama sina Erik, Christian Bautista at Billy Crawford kung saan nanalo ang dalaga noong 2011.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mabibili ang tickets para sa “10Q” via www.ktx.ph na ididirek ni Dido Camara kasama si Marvin Querido bilang musical producer. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending