Bea may naisip na konsepto para sa proyekto nila ni Marian; 'better partner' na raw siya ngayon | Bandera

Bea may naisip na konsepto para sa proyekto nila ni Marian; ‘better partner’ na raw siya ngayon

Ervin Santiago |October 12,2021
facebook
share this

Bea may naisip na konsepto para sa proyekto nila ni Marian; ‘better partner’ na raw siya ngayon

Ervin Santiago - October 12, 2021 - 08:45 AM

Bea Alonzo at Marian Rivera

MAY naisip nang konsepto at kuwento ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo para sa posibleng proyekto na pwede nilang pagsamahan ni Marian Rivera sa GMA 7.

Bukod sa gagawin nilang pelikula ni Alden Richards at sa unang teleserye niya sa Kapuso Network, looking forward din siya na makatrabaho ang misis ni Dingdong Dantes.

Ayon sa dalaga, ready siyang subukan ang iba’t ibang karakter o role na hindi pa niya nagagawa sa past projects niya. Type rin niya ang maging host ng isang talk show.

“Ako kasi I’m open to different possibilities now. I don’t want to put myself in a box so I want to do different things as much as I can,” chika ni Bea sa panayam ng “Unang Hirit.”

Dagdag pa niya, “I’m also looking forward to working with Kapuso stars that I’ve never worked before, even the younger ones like sina Ruru (Madrid), sina Derrick (Monasterio), and siyempre kahit na sa mga babae sina Marian Rivera.” 

Excited pa niyang binanggit na may naisip na siyang istorya para sa kanila ni Marian pero hindi raw muna niya ito sasabihin in public.

“I actually have a concept in mind, ikukuwento ko na lang sa mga bosses… for me and Marian sana,” ani Bea.

Sey pa ng girlfriend ni Dominic Roque, super excited na siya sa pagbabalik-trabaho at sa mga naka-line up na projects niya sa GMA.

“Meron ulit ako nung drive that I have before when I was starting sa showbiz and I’m excited,” sabi pa ng aktres.

Samantala, nang mapag-usapan naman ang tungkol sa lovelife, natanong ang award-winning actress kung may nagbago sa ugali niya bilang partner?

“I think I’m a better partner now, because I have learned to love myself more. So, I have more love to give and the right time of love,” pag-amin ni Bea.

Sa isang panayam kay Bea, ibinandera niya sa publiko na husband material si Dominic ngunit aniya maaga pa para pag-usapan ang kasal.

“Siyempre naman, at this point in my life, hindi ako papasok sa isang relasyon na hindi naman seryoso, di ba? Pagkatapos ng lahat. Seryoso naman talaga. Oo, husband-material (si Dominic),” ani Bea.

Dagdag pa niya, ibang-iba na ang pananaw niya pagdating sa pagmamahal, kung noon ay nagpapakamartir siya sa usaping pag-ibig ngayon ay naniniwala na siya na hindi dapat magbulag-bulagan kung alam mong may mali na sa relasyon.

“Siguro, huwag i-disregard yung red flags. Kapag may nakita kang mali, ibig sabihin, may mali. Kapag may nararamdaman kang discomfort, ibig sabihin, may kailangan i-address, parang ganu’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, never disregard red flags. Kasi, mas masarap magmahal…di ba, sinasabi nila, love is blind. Oo, love is blind, pero mas masarap magmahal kapag bukas ang puso at yung mata mo sa mga nangyayari,” chika pa ni Bea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending