Jake hindi na kinasuhan ng PNP; mga pulis na bumaril sa kanyang SUV lagot | Bandera

Jake hindi na kinasuhan ng PNP; mga pulis na bumaril sa kanyang SUV lagot

Reggee Bonoan - October 10, 2021 - 03:10 PM

Jake Cuenca

IIMBESTIGAHAN ang mga pulis na bumaril sa gulong ng sasakyan ni Jake Cuenca nang magkahabulan kagabi sa kahabaan ng Shaw Boulevard sa Mandaluyong. Ito ang kuwento ng taong malapit sa aktor na kausap namin habang sinusulat ang balitang ito.

Lumabas dito sa BANDERA ngayong araw ang tungkol sa pag-aresto kay Jake dahil nakabangga umano ng sasakyan ng mga pulis at dahilan din ng pagkakabaril ng isang Grab driver nitong Sabado ng gabi.

“Galing si Jake sa kaibigan niyang si Paulo Avelino, nagkatsikahan, bonding kasi Sabado naman.

“Tapos nu’ng pauwi na si Jake, may nadaanan siyang maraming sasakyang nakahinto tapos pinapara siya, hindi niya kilala kasi mga nakasibilyan kaya hindi siya huminto, pinatakbo niya nang mabilis kaya nasagi niya ‘yung isang sasakyang nakaparada sa kalsada.

“Doon na siya hinabol, ayaw niya huminto kaya pinagbabaril ‘yung gulong ng sasakyan niya tapos nu’ng may nakita siyang mga nakaunipormeng pulis na pinara siya saka lang siya huminto. Nu’ng huminto siya, pinababa siya, tsinek ‘yung sasakyan niya, wala namang nakita (na ilegal),” kuwento ng aming kausap.

Saka palang nalaman ng aktor na may buy-bust operation siyang nadaanan at dahil totally tinted ang kanyang sasakyan na may malalaking gulong kaya hinabol siya dahil inakalang sangkot siya.

Binanggit pa na may baril umano si Jake bagay na itinanggi nito, “Sabi ni Jake, ‘wala po akong baril, gun ban ngayon di ba?’

“Pagdating nila ng presinto doon lang nalaman ni Jake na may nabaril palang Grab driver. Kaya sabi ni Jake ay wala siyang alam tungkol sa Grab driver,” paliwanag pa sa amin.

Kaagad daw tinawagan ni Jake ang tatay niya nu’ng nasa presinto (Mandaluyong Police Station) na siya at sinabihan ang mga pulis na kung talagang may kasalanan ang anak at may nakuha sa sasakyan niya, siya mismo ang magpapakulong.

Walang kasong isinampa kay Jake, ang sinasabing Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property ay hindi natuloy dahil napag-alaman na walang kasalanan ang aktor.

At dahil dito ay hindi na rin natuloy ang planong pagsampa ni Jake ng kaso sa mga pulis na bumaril sa sasakyan niya, pero ang mga nabanggit na pulis ay kasalukuyang nakakulong umano sa Mandaluyong Police Station ngunit wala pang inilalabas na report ang PNP hinggil dito.

Nabanggit din sa report na walang kinalaman si Jake sa pagkakabaril sa delivery driver na kaagad namang inasikaso ng mga pulis at dinala sa Rizal Medical Center.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinagdiinan din ng taong malapit kay Jake na hindi siya ikinulong at walang kasong isinampa sa aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending