James Yap sa pagsabak sa politika: Hamon ito sa baguhang tulad ko, pero hindi ako matitinag | Bandera

James Yap sa pagsabak sa politika: Hamon ito sa baguhang tulad ko, pero hindi ako matitinag

Ervin Santiago - October 07, 2021 - 01:25 PM

Mikee Morada at James Yap

NAG-FILE na rin ng kanyang certificate of candidacy ang basketball superstar na si James Yap para sa pagtakbong councilor sa first district ng San Juan City.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasabak sa mundo ng politika ang two-time PBA MVP at talagang pinag-isipan daw niya ito nang matagal bago magdesisyong tumakbo.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, in-announce nga ng ex-husband ni Kris Aquino at tatay ni Bimby ang pagkandidato niya sa San Juan.

Ipinost ng PBA player at miyembro ng Team Rain or Shine ang litrato niya matapos mag-file ng COC at nilagyan ng caption na, “Dala ng pagnanais na pagsilbihan ang mga San Juaneño, naghain po ako ng kandidatura bilang Konsehal sa unang distrito. Ito po ay isang desisyong matagal at masusi kong pinag-isipan.

“Nang nagsimula akong maglaro ng basketball, may mga nagsabi sa akin na hindi ako makararating sa Maynila at lalong hindi ako makalalaro sa PBA. Hindi ako nagpatinag. 

“Tangan ang pagsisikap at dedikasyon, nagpursige ako hanggang maabot ko ang pangarap ko para sa aking pamilya at mga mahal sa buhay.

“Hamon man para sa isang baguhang tulad ko na pasukin ang larangan ng pulitika, hindi ako natitinag. Muli, daldalhin ko ang pagsisikap at dedikasyon hanggang sa maipaabot sa mga bawat San Juaneño ang maginhawang buhay.

“Sa mga taga-unang distrito ng San Juan, magpupursige po si James Yap na ipaabot sa inyo ang magandang kalidad ng pamumuhay na nararapat para sa inyo,” mensahe ni James.

Katiket niya ang PBA athletes na sina Paul Artadi at Don Allado at ang boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay.

* * *

Tatakbo uli bilang konsehal ng Lipa City sa Batangas ang mister ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada. Naghain na rin siya ng kanyang certificate of candidacy sa COMELEC kamakalawa.

Ibinalita ito ni Alex sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga litrato ni Mikee sa Facebook hawak ang kanyang COC. 

“I am 100% proud and with you all the way my husband!!! Alam ko puso mo to serve and be selfless! Pasensya na asa work din ako di kita nasamahan. Love you my konsi Mikee Morada,” ang caption ni Alex sa kanyang FB post. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Unang nahalal sa pagkakonsehal si Mikee noo g tumakbo ito taong 2019. Ikinasal naman sila ni Alex Nobyembre noong nakaraang taon. In-announce lamang nila ito sa publiko noong Enero. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending