Binibining Pilipinas may pasaring sa Miss Universe PH 2021 winner? | Bandera

Binibining Pilipinas may pasaring sa Miss Universe PH 2021 winner?

Therese Arceo - October 01, 2021 - 06:19 PM

USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens ang recent shared post ng Binibining Pilipinas na litrato ni Miss International Philippines 2021 Hannah Arnold af may caption na “Naturaaaaaal woman”.

Pakiwari ng mga netizens ay “shady” ang naturang post at tila pinapatamaan ang Miss Universe PH 2021 Beatrice Luigi Gomez na proud member ng LGBTQIA+ community.

Agad namang binura ang naturang post matapos umani ng sandamakmak na batikos mula sa mga netizens.

“Now I see why MU had to break away from this organization. How do you hone this kind of culture and claim you groom an “empowered” woman? Wake up Binibining Pilipinas, it’s 2021,” comment ng isang netizen.

“Well this is shady… so if lesbian hindi natural woman? Wow BBP. Just wow. Great job on empowering womwn right there,” sey pa ng isa.

Sobra sobra ang disappointment na nararamdaman ng mga myembro ng LGBTQIA+ community sa Binibining Pilipinas. Masyadong naatake ang komunidad na ilang taon na ring pilit ipinaglalabang ang pantay na karapatan at pagtingin ng lipunan sa kanila bilang tao sa kabila ng kung anuman ang pinipili nilang kasarian.

Bukod pa rito, tila taliwas ang ginawa ng Binibining Pilipinas sa adhikain nitong women empowerment. Imbes kasi na i-congratulate o maging masaya para sa magrerepresenta ng bansa sa darating na Miss Universe 2021 sa Israel ay hinatak pa nila ito pababa.

Mas umapaw naman ang suporta ng madlang pipol kay Beatrice dahil sa nangyari.

Sa ngayon ay wala pang pormal na pahayag ang pamunuan ng Binibining Pilipinas hinggil sa isyu na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending