Hamon kay Claudine sa pagtakbong konsehal: Patunayan mong taga-Olongapo ka talaga! | Bandera

Hamon kay Claudine sa pagtakbong konsehal: Patunayan mong taga-Olongapo ka talaga!

Reggee Bonoan - September 28, 2021 - 09:13 AM

Claudine Barretto

“CLAUDINE, patunayan mo na ikaw ay talagang taga-Olongapo na!”

Ito ang hamon ni Ogie Diaz kay Claudine Barretto base na rin sa tanong ng netizens kung bakit sa Olongapo City siya kakandidatong konsehal gayung taga-Quezon City siya.

Sabi raw ni Claudine ay 16 years na siyang nakatira sa Olongapo at hindi na bago sa kanya ang siyudad dahil nanilbihan bilang Subic Bay Metropolitan Authority (SMBA) Administrator ang tatay niyang si Miguel Alvir Barretto na sumakabilang-buhay noong 2019.

Sa tsikahan nina Ogie co-host nitong si Mama Loi kasama si Tita Jegs sa Showbiz Update YouTube channel na in-upload nitong Lunes ng gabi ay kinukuwestiyon kung totoong matagal nang naninirahan sa Gapo ang aktres.

“Ang isyu dito Loi ay nilinaw ni Claudine na 16 years na siyang naninirahan sa Olongapo dahil nga kung matatandaan natin ay naging admin ng SBMA ang daddy niya,” bungad ni Ogie.

Dagdag naman ni Mama Loi, “Tapos ‘yung lolo niya dating politiko sa Olongapo sabi niya, di ba ‘nay?”

“Korek pero siyempre tinatanong nga ng mga netizen Loi na, Claudine patunayan mo na ikaw ay talagang taga-Olongapo na!

“E, kasi ang sinasabi rito na meron din akong nabasa na last Friday (Sept. 24) lang nag-file si Claudine or nag-register bilang botante ng Olongapo na sinasabi parang change of address,” pahayag ni Ogie na ikinagulat ni Mama Loi.

Ito ‘yung isinulat namin dito sa BANDERA nitong Sabado na sinasabi ni Ogie na may nabasa siyang noong Biyernes lang nag-file ng transfer of voter registration si Claudine sa COMELEC Olongapo na ayon sa aming source.

Sa pagpapatuloy ng kilalang talent manager at vlogger, “Siyempre hindi naman tayo lawyer para malaman ito kasi ang alam lang natin pag tatakbo ka for local position kailangan one-year residency ka roon. Residente ka for one year.

“Kung three days ago lang si Claudine nagparehistro, hala baka maging isyu ‘yan! And I’m sure sa atin walang isyu ‘yan kasi siyempre kung mananalo naman si Claudine ipahihintulot naman ‘yan kaso may mga kalaban.

“Kung feeling ng ibang mga konsehal na kalaban ni Claudine, ‘ay sandali, isang threat sa atin si Claudine kailangan i-research natin kung totoong matagal ng naka-rehistro si Claudine.

“Pero may ipinakitang TIN (taxpayer identification number) ID si Claudine na siya ay taga-Quezon City,” aniya pa.

Ang nasabing TIN ID ng aktres ay inisyu noong Nob. 24, 2009 at may address na Loyola Grand Villas, Quezon City.

Sa madaling salita ay 12 years ago na ang nasabing TIN ID ni Claudine na hindi tugma sa sinasabi niyang 16 years na siyang nakatira sa Olongapo City. 

Bukod dito kung talagang 16 years na siyang nakatira sa nasabing siyudad ay bakit nitong Biyernes lang siya nag-file ng voter’s registration sa COMELEC Olongapo?

Anyway, isa pang tinalakay nina Ogie at Mama Loi ang mga Instagram post ng aktres na madalas siya sa bahay niya sa Quezon City.

“Tapos Loi madalas daw nakikita si Claudine na madalas siya sa kanyang pamamahay sa La Vista sa Quezon City,” saad nito.

Tsinek namin ang Instagram account ng aktres habang sinusulat namin ang balitang ito at karamihan sa mga post niya ay special events para sa mga anak niya bukod sa mga larawan ng magulang at ng ate niyang si Gretchen Barretto.

Sabi pa ni Ogie, “‘Yan ang mga isyung dapat sagutin ni Claudine kasi kung mapapatunayan naman niyang matagal nang naninirahan at matagal nang nakarehistro sa Olongapo, e, wala namang isyu ‘yun. Dapat lang talaga pagbutihin ni Claudine ang kanyang pangangampanya.”

Bukas ang BANDERA sa panig ni Claudine para linawin ang mga isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                                            

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending