Hindi po ako pabor sa cheating dahil naging biktima rin naman ako - Kim | Bandera

Hindi po ako pabor sa cheating dahil naging biktima rin naman ako – Kim

Ervin Santiago |September 23,2021
facebook
share this

Hindi po ako pabor sa cheating dahil naging biktima rin naman ako – Kim

Ervin Santiago - September 23, 2021 - 08:56 AM

Kim Chiu

NAG-EXPLAIN ang Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu tungkol sa viral comment niya tungkol sa isyu ng panloloko o “cheating” sa isang relasyon.

Ipinagdiinan ni Kim na hindi siya pabor sa mga nanloloko ng kanilang mga dyowa at kahit kailan ay hinding-hindi siya kakampi sa mga cheater.

Sa nakaraang episode ng “It’s Showtime”, nagpaliwanag ang girlfriend ni Xian Lim hinggil sa naging pahayag niya sa isyu habang kinakausap ang isang contestant sa “Reina ng Tahanan” segment.

“Noong isang araw, hindi ako nabigyan ng chance to explain further ‘yung sinabi ko,” simulang chika ng aktres.

“Gusto ko lang sabihin sa lahat at gusto ko lang pong linawin din na hindi po ako pabor sa cheating. 

“Never po ako talaga magiging pabor doon, dahil naging biktima din naman ako noon. It was not easy, and it was very painful,” aniya pa.

Walang binanggit na pangalan si Kim kung sino ang taong tinutukoy niya na nanloko sa kanya pero ang hula ng mga netizens — si Gerald Anderson daw.

Dagdag pang pahayag ng TV host, “Mahabang talakayan kasi ang cheating. Hindi iyon matatapos sa isang salita. Pero, again, I am not in favor of cheating, and I will never be in favor of that.

“Nagmukhang ako ‘yung cheater! Siyempre walang may gusto masaktan, o walang may gustong niloko ka,” sey pa niya.

Reaksyon naman ng co-host ni Kim sa “Showtime” na si Jugs Jugeta, dapat daw humanap siya ng lalaking loyal tulad nila ni Teddy Corpuz.

Bilang tugon, binati ni Kim ang boyfriend niyang si Xian on air with matching wave pa, “Hi, Xian!” 

Hirit pang mensahe ni Kim sa madlang pipol, “Love, love, love. Respect, respect, respect. Let’s spread love and happiness.”

Kung matatandaan, napag-usapan ang tungkol sa cheating sa Sept. 20 episode ng “Reina ng Tahanan” kung saan nabanggit ng isang contestant na ilang beses daw siyang niloko ng kanyang asawa.

Tinanong kasi ni Vice Ganda ang mga co-host niya sa kanilang noontime show kung ano ang pananaw nila sa hugot line na, “Once a cheater, always a cheater.”

Sagot ni Kim, “Baka mag-chi-cheat kung hindi siya naging masaya. Baka bubukas ‘yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman sumang-ayon dito si Vice, “Again, Kim Chiu, there is no acceptable reason for cheating. Masaya ka o hindi ka masaya, walang pass ‘yun to cheat. Hindi ka maaabsuwelto doon.”
Sey naman ni Kim, “Yeah, that’s bad.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending