Aiko naloka sa desisyon ng DepEd, natakot para sa mga guro: Bakit hindi po nila need magpa-vaccine? | Bandera

Aiko naloka sa desisyon ng DepEd, natakot para sa mga guro: Bakit hindi po nila need magpa-vaccine?

Reggee Bonoan - September 21, 2021 - 04:08 PM

Aiko Melendez

HUMIHINGI ng sabay-sabay na panalangin ang aktres na si Aiko Melendez dahil hindi pa rin natatapos ang kaso ng COVID-19 na dahilan ng pagkawala ng daddy niyang si Dan Castañeda nitong Pebrero, 2021.

Kaya pinag-iingat niya ang lahat ng kababayan na laging sundin ang health protocols dahil hindi biro ang nakamamatay na sakit.

Ang post ni Aiko, “Covid 19 Delta and Lambda Variants are now circulating in everyone’s home and communities. With a sad heart but with a strong faith in Almighty God today I kneel down in prayer, asking for a full recovery of those with covid19 & its variants, who are in pain. Lord I’m asking You to protect and cover us with Your mercy and let your grace flow to us.

“Lord, protect and strengthen us, the elderly, homeless, unemployed, sick, frontliners, caregivers and all who are exhausted. Let us be united in praying for one another.

“Almighty God bless us, and please put an end to our misery. In Jesus name, we pray. Amen!”

Kaya naman nawiwindang si Aiko sa report ng Department of Education (DepEd) na hindi required na maging bakunado ang mga teacher sa limitadong face-to-face classes.

Ayon sa ulat, “DepEd said on Monday, September 20, that COVID-19 vaccinations are not a requirement for teachers joining the pilot run of limited face-to-face classes.

At ang reaksyon ng aktres, “What???! Am I Reading and understanding this right? Bakit di po need ng teachers na ma vaccine po? 

“Eh sila ang mauuna na ma-expose sa face to face class sa mga bata? Ano nanamang experiment po to DepEd?” sabi ni Aiko.

Dagdag pa ng aktres, “Tapos papa vaccine lang nila teachers kapag malapit na ang eleksyon? Sana show some concern at least sa mga teachers also.”

Nagkomento rito si @Rosemarie Ramos Hauschildt, “ And to think we will be comfortable sending our kids to school?!! Hell no!! what are their thinking?”

Say naman ni Direk Joey Javier Reyes, “Two words: F—G IDIOTS! Exposing kids to unvaccinated teachers? Who is running that circus of a department?”

Mula naman kay @JM Martinez, “Nasa tamang pag iisip ba yang mga yan? Lahat ng taong may face to face job e need ng vaccination kung mga simpleng empleyado nga kailangan e mga teachers pa kaya?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pang maaanghang na komento mula sa netizens ang nabasa namin hinggil sa isyung ito na sana’y mabasa rin ng nga taga-DepEd.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending