Bea, Dominic sumabak sa bagong challenge: Hindi tayo dapat pabigla-bigla, baka mag-away tayo | Bandera

Bea, Dominic sumabak sa bagong challenge: Hindi tayo dapat pabigla-bigla, baka mag-away tayo

Ervin Santiago |September 21,2021
facebook
share this

Bea, Dominic sumabak sa bagong challenge: Hindi tayo dapat pabigla-bigla, baka mag-away tayo

Ervin Santiago - September 21, 2021 - 01:27 PM

Bea Alonzo at Dominic Roque

ALIW na aliw kami sa bagong vlog ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque kung saan sumabak ang magdyowa sa isang challenge.

Dito, na-test kung gaano sila kagaling sa “coordination” at kung effective ba ang kanilang communication skills bilang mag-partner.

Kumasa sina Bea at Dominic sa bonggang-bonggang “Not My Hands Challenge” na napanood nga namin sa latest YouTube vlog ng bagong Kapuso actress.

Isa sa mga rule ng nasabing challenge, kailangang makagawa ang magdyowa ng yummy french toast, pero siyempre may twist nga ito para mas lalo silang pahirapan.

Sa pagpe-prepare ng french toast, hindi ang sarili nilang mga kamay ang kanilang gagamitin kundi ang mga kamay ng kanilang partner, na nakapuwesto sa kanyang likod.

Base sa video, unang sumabak sa challenge si Dominic. Sa simula ay naging palaban ang binata sa game ngunit ilang sandali lamang ay nangalay at napagod na ang aktor sa mga instructions ni Bea. 

Ang ending, sumobra ang inilagay niyang vanilla extract sa hinahanda  nilang mixture. Kaya sabi ni Bea, “Oh no! No talaga, don’t do that in your homes. I’m sorry, I’m very clumsy!” 

Hugot pa ng aktres sa nagawang sablay ng boyfriend, “Life is all about mistakes and how to overcome them.”

Sumunod na nagpakitang-gilas si Bea at si Dominic naman ang nagbigay sa kanya ng instructions. In fairness, talagang kinarir ng dalaga ang challenge, ha! Halatang ayaw magpatalbog kay Dom.

Ngunit dahil hindi nga niya nakikita ang mga nakahandang ingredients, ang ending kalat-kalat na ang mga gamit nila sa paggawa ng french toast. 

Tila pinagalitan pa ni Dominic ang aktres dahil sumobra raw ang inilagay niyang butter sa pan, “Ay! Ayoko ngang ilagay dahil too much butter kaya ko nga hiniwa.”

Sa isang bahagi ng challenge, muntik pang mapaso si Bea sa nakasalang na pan, kaya sabi sa kanya ng actor-businessman, “Oh, no! Mapapaso tayo kapag ganu’n, ‘di tayo dapat pabigla-bigla kasi baka mag-away tayo mamaya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, natapos naman nina Bea at Dom ang challenge at pasado naman sa kanila ang mga nilutong french toast.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending