Carla ibinuking si Rocco: Grabe 'yung pressure sa kanya, pero napanindigan naman niya! | Bandera

Carla ibinuking si Rocco: Grabe ‘yung pressure sa kanya, pero napanindigan naman niya!

Ervin Santiago |September 20,2021
facebook
share this

Carla ibinuking si Rocco: Grabe ‘yung pressure sa kanya, pero napanindigan naman niya!

Ervin Santiago - September 20, 2021 - 08:55 AM

Max Collins, Rocco Nacino at Carla Abellana

GRABE ang papuri ni Carla Abellana sa mga co-stars niya sa upcoming Kapuso series na “To Have and To Hold” na sina Rocco Nacino at Max Collins.

Nakatrabaho na ng aktres si Rocco noong 2018 sa drama series na “Pamilya Roces” pero mas tumindi pa raw ang paghanga niya sa aktor dahil sa ipinakita nitong akting sa bago nilang programa.

“I’ve already worked with Rocco. Pero iba naman talaga rito si Rocco sa To Have and To Hold. Nag-grow talaga siya, nag-mature siya in a good way,” pagbabahagi ni Carla sa ginanap na Pinoy Abroad Fun Connect sa GMA Pinoy TV.

“Napakabigat ng role na Gavin sa To Have and To Hold and napanindigan ‘yun ni Rocco. Grabe ‘yung pressure, of course, pero he handled it well. Na-enjoy ko na makatrabaho siya ulit,” chika pa ni Carla.

“‘Yan ang isa sa magugulat ka na kahit mabigat ang mga eksena niya, may mga times na bago siya papasok, bago siya makukuhanan ng kamera tumatawa pa ‘yan, tapos biglang galit na naman siya kapag action,” pagbabahagi pa ng fiancée ni Tom Rodriguez.

Ito naman ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Carla si Max, “I love working with her. Napakagaling na artista. Madadala ka sa eksena talaga kapag kaeksena mo siya. She has so much passion. She’s dedicated to her role.

“And may times din na you’ll be surprised kasi calm lang siya pero ‘pag action na grabe nag-build up pala siya that whole time. 

“Nag-prepare siya nang husto for the scene kaya talagang ang galing because all in the eyes kitang-kita mo na madadala ka talaga,” sey ni Carla.

Dagdag pa niya, “And I’m super, super happy. Walang reklamo, walang anything. Game siya for anything. Wow, very professional. Very happy ako na naka-work ko silang dalawa.”

Marami na ang naku-curious sa kuwento at tema ng bagong serye ng GMA lalo na nang ilabas na ang official trailer nito. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang promise naman ni Carla, siguradong pag-uusapan na naman ang mga karakter nila sa show dahil naniniwala siya na marami ang makaka-relate sa kanilang mga kuwento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending