Dating aktor na si Josh Santana, positibo sa COVID-19 Bandera

Dating aktor na si Josh Santana, positibo sa COVID-19

Therese Arceo |September 18,2021
share this

Dating aktor na si Josh Santana, positibo sa COVID-19

Therese Arceo September 18, 2021 - 07:54 PM

NAGPOSITIBO ang dating aktor at singer na si Josh Santana sa COVID-19 virus.

Ibinahagi ng dating aktor at singer na ngayon ay isa nang ganap na doktor ang balitang ito sa kaniyang Instagram account.

Ipinost nito ang resulta ng kaniyang COVID-19 test result na may caption na, “So here it is! I’m positive. Scary as it is, I think it was only a matter of time that I too would get the virus.”

“I’m still very proud of the work I’ve done and I pray that I get through this,” dagdag pa nito.

Giit pa niya, paniguradong babalik siya sa trabaho bilang isa sa mga frontliners sa oras na siya’y gumaling.

“When I get better I will go back to the frontline with zero hesitations, because at the front line is where I belong,” saad nito.

Sa panibagong IG post niya ay ibinahagi niya ang kasalukuyang nararanasan habang siya ay may sakit.

“Bored, matamlay. Tapos masakit ulo. Pero di nakakalimot tumawa at mangulit sa mga kaibigan.

Aniya, nabuhay raw ang kaniyang mga chat groups dahil marami siyang time ngayon dahil kasalukuyan siyang naka-quarantine.

Dagdag pa niya, tumawag raw ang kaniyang mga magulang na siyang ikinaiyak niya pero nanatiling positibo ang kaniyang pananaw sa kabila ng pagiging positibo sa virus.

Si Josh Santana ay isa sa mga sumikat noong taong 2000s. Nagkaroon ito ng teleserye kasama si Carol Banawa na pinamagatang “Bituin”.

Isa sa mga pinakasikat nitong kanta ay ang tagalized version ng theme song na Taiwan hit series na “Meteor Garden” na pinamagatang “Biyahe”.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending