Jerry Yan sa pagpanaw ni Barbie Hsu: Thankful for meeting you
PUNUNG-PUNO ng emosyon ang naging tribute ng Taiwanese actor-model na si Jerry Yan para sa kanyang pumanaw na “Meteor Garden” co-star at ka-love team na si Barbie Hsu.
Sa kanyang Weibo account, isang Chinese social media platform, ibinahagi niya ang kanyang naging saloobin matapos mabalitaan ang biglaang pagkamatay ng kaibigan at dating katambal.
“Thankful for meeting you. In your carefree childlike years, you used to say, treat every day as if it were your last. To have a good time,” saad ni Jerry.
Baka Bet Mo: Barbie Hsu nagka-epilepsy, may heart condition na ‘mitral valve prolapse’
Dagdag pa ni Jerry, “May this time you walk slowly. From now on, in another world, there will be no troubles and the years will be peaceful.”
Matatandaang nitong Lunes, February 3, marami ang nagulat at nalungkot matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Barbie Hsu na kilala ng marami dahil sa kanyang iconic character bilang si San Chai.
View this post on Instagram
Influenza-induced pneumonia ang naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay ayon sa kanyang kapatid na si Dee Hsu.
Sa mga hindi aware, nag-hit ang tambalan nina Jerry at Barbie sa 2001 Taiwanese drama series na “Meteor Garden” na talaga namang naging parte ng childhood ng karamihan sa mga milennials sa ngayon. Nagkaroon pa nga ito ng sequel na “Meteor Rain” at “Meteor Garden II” na hindi lang nag-hit sa Pilipinas kundi sa iba’t-ibang parte ng mundo.
Bukod kay Barbie at Jerry na gumanap bilang si Dao Ming Si, kasama rin nila sina Vic Chou, Ken Chu, Vanness Wu na kilala bilang ang “F4”.
Maging ang ilang mga Filipino celebrities ay nagbigay ng tribute para sa pumanaw na aktres dahil naging parte rin ito ng kanilang pagkabata gaya na lamang ni Kim Chiu, Alex Gonzaga, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.