Barbie Hsu binigyang pugay ng mga kasamahan sa ‘Meteor Garden’
MAGING ang iba pang kasamahan ni Barbie Hsu sa Taiwanese drama series na “Meteor Garden” na sina Ken Chu at Rainie Yang ay nagluluksa sa biglaang pagkamatay ng kanilang kasamahan.
Sa pamamagitan ng Instagram stories ay nagbigay tribute ang dalawa upang alalahanin ang pumanaw na kaibigan at kasamahan.
Isang black photo ang ibinahagi ni Ken sa kanyang IG story na senyales ng kanyang pagluluksa sa pagpanaw ni Barbie.
Kasunod nito ay ang pag-bandera niya sa larawan nilang lima kasama sina Jerry Yan, Vic Zhou, at Vanness Wu.
Baka Bet Mo: Jerry Yan sa pagpanaw ni Barbie Hsu: Thankful for meeting you
View this post on Instagram
Maging ang gumanap na bestfriend ni Barbie sa “Meteor Garden na si Rainie Yang o kilala bilang si Xiao Yu ay malungkot matapos malaman ang pagkamatay ng kaibigan.
“Xiyuan, thank you. I will miss you forever and love you,” saad ni Rainie sa kanyang Instagram story na may black background.
Xiyuan ang pangalan ni Barbie sa Mandarin.
Sina Rainie at Ken ay naging magka-love team sa hit series na “Meteor Garden”.
Matatandaang nitong Lunes, February 3, nagulat ang madlang pipol sa malungkot na balitang kinumpirma mismo ng nakababatang kapatid ni Barbie na si Dee Tsu, isang Taiwanese TV host.
Ang dahilan daw ng pagkamatay ng aktres ay mga kumplikasyong dulot ng “influenza-related pneumonia.”
Naulila ni Barbie ang kaniyang mister na si South Korean singer na si DJ Koo Jun-yup, at dalawang anak na isang 10-year-old daughter at 8-year-old son mula sa dating asawa na si Wang Xiaofei.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.