Joyce may bagong nadiskubre sa anak nila ni Juancho; Lani tuloy na ang pagbabalik sa 'The Clash' Bandera

Joyce may bagong nadiskubre sa anak nila ni Juancho; Lani tuloy na ang pagbabalik sa ‘The Clash’

Ervin Santiago |September 15,2021
share this

Joyce may bagong nadiskubre sa anak nila ni Juancho; Lani tuloy na ang pagbabalik sa ‘The Clash’

Ervin Santiago September 15, 2021 - 08:59 AM

Joyce Pring, Juancho Trivino at Baby Eliam

HABANG lumalaki ang panganay na anak nila ni Juancho Trivono, marami ring natututunan si Joyce Pring bilang nanay.

Kuwento ng first-time mom, talagang ine-enjoy niya ngayon ang pagiging hands-on nanay sa two-month-old baby nilang si Alonso Eliam kahit na maraming challenges.

Ibinahagi ni Joyce sa kanyang Instagram account ang litrato ni Baby Eliam na titig na titig sa camera kung saan naikuwento niya ang mga natututunan sa pag-aalaga sa sanggol na anak.

“This 2-month old sure looks like he knows exactly what’s going on. One of the (innumerable) things that fascinate me about our son is just how observant he is.

“He really looks you in the eyes when you’re talking to him, he coos as if you’re actually having a conversation, and he likes to quietly, smilingly, observe moving things–my hands, the leaves on trees when we walk, his dad whenever he’s running around the house,” simulang pahayag ng TV host.

Aniya pa, “One thing that I’ve learned from Eliam recently is the beauty of just being present in the moment and observing every detail; to be able to look at everything with a fresh pair of eyes, and an awestruck wonder at the world God has created and continues to hold together.” 

Bumuhos naman ng mga positibong komento mula sa mga netizens ang IG post ni Joyce. Ilan sa kanila ang nagsabing saludo sila sa pagiging hands-on mommy ng misis ni Juancho.

Nitong Sept. 2 ay two months old na si Baby Eliam at sa pagse-celebrate nina Juanco at Joyce sa espesyal na araw ng anak, dinamitan nila ito bilang little sea explorer.

* * *

Magbabalik bilang judge sa papalapit na fourth season ng original musical competition ng GMA Network na “The Clash” si Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Masayang ibinahagi ni Lani sa “Unang Hirit” na muli siyang magiging judge sa well-loved singing competition, “Mabuti naman ang kalagayan ko, pati na rin ang husband ko. 

“Okay naman kami pero, siyempre, tulad nung kasabihan na kapag binagyo ka, medyo may iniwang damage ‘yung bagyo. Parang ganon ang nangyari sa amin,” aniya.

Matatandaan na kinailangang huminto ni Lani bilang judge sa last season ng show. Ayon kay Lani, nagkaroon siya ng bacterial meningitis kaya ilang araw din siyang na-confine sa ICU ng isang ospital.

Kasunod ng kumpirmasyon ng pagbabalik ni Lani sa “The Clash Season 4,” ibinahagi rin niya ang ilang expectations sa bagong Clashers.

Aniya, “Ganoon pa rin naman ang gusto ko, mayroong unique na boses, ‘yung nandoon ‘yung maganda ang pag-deliver ng kanyang pagkanta na parang lahat ng emotions nandoon. 

“Kung ano ‘yung nararapat na emotions sa kanta, nandoon ‘yung maibibigay niya. Ganon pa rin ang hanap ko, uniqueness sa voice and sa performance,” sabi pa ng OPM icon.

Kabilang din sa “The Clash” panel of judges sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Queen Ai Ai delas Alas. Abangan ang nalalapit na pagbabalik ng “The Clash Season 4” sa GMA 7.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending