ReiNanay Marilyn may buwelta kay Ruffa Gutierrez: Hindi rin ho marunong mag-isip 'yung judge na 'yon Bandera

ReiNanay Marilyn may buwelta kay Ruffa Gutierrez: Hindi rin ho marunong mag-isip ‘yung judge na ‘yon

Therese Arceo |September 14,2021
share this

ReiNanay Marilyn may buwelta kay Ruffa Gutierrez: Hindi rin ho marunong mag-isip ‘yung judge na ‘yon

Therese Arceo September 14, 2021 - 07:06 PM

NAGLABAS ng saloobin ng constestant na si ReiNanay Marilyn Lagsa matapos siyang umani ng batikos dahil sa naging katanungan ng kaniyang ina nang sumalang ito sa Reina ng Tahanan segment ng “It’s Showtime”.

Naging kontrobersyal kasi ang katanungan ng ina ni Marilyn na kung pupuwede raw bang ibalik ni Marilyn ang kaniyang suporta sa mga anak nito kahit hindi na sa kanilang mag-asawa.

Dagdag pa ng ina nito, 10 taon na raw sa kanilang poder ang mga bata at simula raw noon ay hindi na ito nagbibigay ng sustento sa mga ito.

Naging paligoy-ligoy raw ang naging sagot ni ReiNanay contestant at hindi direktang sinagot ang tanong ng kaniyang ina kaya maraming mga netizens ang naimbyerna.

Buwelta naman ni Marilyn, kaya raw parang paligoy-ligoy ang sagot niya sa naging tanong ng ina ay iniisip nito ang kalagayan ng ina at ayaw niyang magmukha itong sinungaling sa publiko.

Umalma rin ito sa mga negatibong paratang sa kanya at nakausap na raw niya ang kaniyang ina kung bakit iyon ang naging katanungan niya.

Ayon sa kaniya, wala lang daw maisip ang ina na sasabihin kaya ito raw ang naitanong sa kaniya.

“Sa mga nababasa kong basher, ‘wag nyo po akong murahin dahil hindi po ako ganong klase ng tao tulad po ng iniisip ninyo.

“Hindi rin po ako artista, simpleng tao lang din po ako. Sana nakakaintindi kayo. Ang hirap. Imbes na maging moment para sa akin ang pagsali ko dun pero parang hindi. Bangungot po ang nangyari,” saad ni Marilyn.

Nagpasaring rin ito sa isa sa mga ReiNanay judge na hindi raw marunong umintindi dahil mas diniin pa siya nito.

“May isang judge na hindi rin po marunong umintindi. Pinahiya rin po ako. Sana noong time rin po na ‘yun, naisip din niya na naka-live din kami.

“Hindi rin ho marunong mag-isip ‘yung judge na ‘yun. Sa halagang limang libo na hindi ko pa narereceive, sa halagang ganun lang, nilaglag ‘yung pagkatao ko,” pagpapatuloy ni Marilyn.

Hindi man pinangalanan ngunit mukhang si Ruffa Gutierrez ang tinutukoy ni Marilyn base sa comment nito sa kaniya.

“Alam mo Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako. Iniwan mo lang ‘yung mga anak mo sa nanay mo for 10 years na di mo sinusustentuhan?

“Alam kong mahadera ka sumagot kila Vice kanina pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo. Nakita mo naman ang itsura niya.

“Kunin mo na ang mga anak mo kasi lagi mong sinasabi na ‘di mahal ng mga anak mo ikaw at mas mahal nila ang lola nila. Natural kasi hindi ka nakikita,” comment ni Ruffa.

Depensa naman ni Vice, nasabi lang naman ni Ruffa yun dahil concern ito sa ina ni Marilyn lalo na’t matanda na ang mga ito.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending