Paglafang ni Pacquiao nang nakakamay inokray ng bashers; Korina rumesbak
Korina Sanchez at Manny Pacquiao
PINATULAN ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez ang mga bashers na bumatikos sa ipinost niyang litrato ni Sen. Manny Pacquiao habang kumakain.
Ibinahagi ng TV host sa kanyang Instagram account kahapon ang photo ng boxing champ habang kumakain nang nakakamay.
Kuwento ng misis ni Mar Roxas, nilantakan ng senador ang two cups of rice at ang ulam niyang isda.
Sabi ni Korina sa kanyang caption, “Ang sabi ni Sen. Manny Pacquiao: Basta. Mas masarap kumain nang naka kamay.
“PS: Naubos ang dalawang takal ng kanin and fish. Naiwan ang chicken. FYI. (grinning squinting face, heart, zany face emojis),” chika pa ng award-winning broadcast journalist.
Sunud-sunod naman ang mga comments ng netizens sa IG photo ni Pacquiao at karamihan nga sa kanila ay nagsabing mukhang may halong politika raw ang pagkain nito ng nakakamay lang.
Alam naman ng publiko na isa si Pacman sa mga politikong nagpaplanong tumakbong presidente sa 2022 elections.
Hindi naman pinalampas ni Korina ang ilang haters at sinagot ang mga hate comments sa kanyang IG account.
Sabi ng isa niyang follower sa IG, “Hindi na yan oobra sa tao (face with tears of joy emoji).” Na nireplayan ni Korina ng, “Ewan kung oobra. Basta ganyan sya kumain eh (smiling face with heart-shaped eyes emoji).”
May isang netizen naman ang nagsabing masarap talagang kumain nang nakakamay pero lumang pakulo na raw ito ng mga politiko kapag malapit na ang eleksyon.
Sagot ni Korina sa kanya, “Di naman nya alam na kinukunan ko sya kaya totoo naman na ganyan ang kain nya sa bahay. (smiling face with heart-shaped eyes emoji).”
Pang-ookray ng isa pang IG user, “Bumenta na yann!” Tugon naman ni Korina, “Anong binebenta?”
Comment ng isa pa, “Hmmm yan kamay gamit na gamit na (face with tears of joy emoji) sa next nyan sirang sapatos naman (face with tears of joy emoji).”
Pagtatanggol naman ni Korina kay Pacman, “Kumakain lang. Dami nang sinabeh? (face with tears of joy emoji).”
Sinagot din niya ang netizen na nagsabing, “The time when eating with your hand means election is coming to town (face with tears of joy emojis).”
Resbak ni Korina, “I really dont think so. I think he really eats this way. Hindi nya alam kinukunan ko sya. (smiling face with heart-shaped eyes emoji).”
Ito naman ang reply niya sa isa pang bumatikos kay Pacman, “Nagkakamay lang sa kain. Ang haba na ng nilakad ng kuwento mo beh (face with tears of joy emoji).”
May ilan namang kumampi sa senador tulad ng isang netizen na nagkomento ng, “But I agree, eating with our hands is the best way to eat. It allows us to connect with our food and the people who prepared them. Eating should be a spiritual experience.”
Um-agree si Korina sa kanya, “I love eating naka kamay (raising hands emoji).”
Sey pa ng isang IG user, “Ang kumain na nakakamay hindi dahil mahirap ka o galing ka sa mahirap, noong bata ako yon din ang pag kakaintindi ko pero mali ako kasi dito sa ibang bansa mahirap man o mayaman makikita mo silang kumakain ng nakakamay miski sa mga restaurant may makikita kang kumakain ng nakakamay. Kaya i appreciate natin yon ang kumakain na nagkakamay.”
Na sinang-ayunan din ng “Rated K” host, “I agree. Walang masama. Ewan ko ba (face with tears of joy emoji).”
Hindi rin pinatawad ni Korina ang isa niyang follower na nagpatutsada naman sa misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao na naging kontrobersyal kamakailan dahil sa mahigit P2 million halagang OOTD nito sa laban ng asawa sa Las Vegas last month.
Comment ng netizen, “Kung tatakbo siyang Presidente, dapat pgsabihan nya si Jingkee na hinay hinay lang pagsosoot ng mamahaling bagay. Baka sabihin ng botante another Imelda Marcos. Kahit sabihin natin na galing nman sa pgboboxing ni Manny ang pera nila.”
Sey ni Korina, “Ako naman bakit ako magpapanggap na cannot afford eh nagpapabugbog ako ng mukha at marangal ang kita ko? Huwayy will I pretend? (face with one eyebrow raised emoji).”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.