Tambalang Beauty-Kelvin waging-wagi sa 'Stories from the Heart', trending sa socmed Bandera

Tambalang Beauty-Kelvin waging-wagi sa ‘Stories from the Heart’, trending sa socmed

Ervin Santiago |September 14,2021
share this

Tambalang Beauty-Kelvin waging-wagi sa ‘Stories from the Heart’, trending sa socmed

Ervin Santiago | September 14, 2021 - 03:43 PM

Kelvin Miranda at Beauty Gonzalez

WAGING-WAGI ang pilot episode kahapon ng bagong afternoon drama series ng GMA 7 na “Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette”. 

In fairness, talagang inabangan ng Kapuso viewers ang pagsisimula ng unang serye ni Beauty Gonzalez sa GMA kung saan first time rin niyang magkaroon ng mas bagets na leading man — si Kelvin Miranda.

Pumasok sa Twitter Philippines top trending list ang hashtag na #LovingMissBridgettePremiere kung saan pinag-usapan ng netizens ang role nina Beauty at Kelvin sa kuwento.

Sa pilot episode ng bagong Kapuso mini-series (napapanood sa GMA Afternoon Prime), ipinakilala nga sa mga viewers ang mga karakter nina Beauty at Kelvin bilang sina Bridgette at Marcus na nagpakilig agad dahil sa mga nakakaaliw at maiinit nilang mga eksena.

Nagkakaisa ang mga manonood sa pagsasabing ang lakas din ng screen chemistry ng dalawa kaya naman hindi napigilan ng kanilang fans na ibandera ang kanilang pasabog at paandar na reaksyon sa Twitter at Facebook.

Ibig sabihin lang nito, tanggap na tanggap na ng karamihan sa mga Pinoy ang May-December love affair kung saan mas matanda ang babae kesa sa lalaki. Patunay ito na hindi na issue ang pagpatol ng isang mature women sa mas bagets na guy.

Comment ng isang fan ng programa, “Bagay na bagay kay Beauty ang role niya. Perfect project for her first Kapuso series. Ang glossy ng show and Kelvin is also perfect for his character. Kudos!”

“Naniniwala talaga ako sa ‘Age doesn’t matter as long as they are loving each other.’ Love has no boundaries,” sabi ng isang Twitter user.

Para naman sa isang tagasuporta ni Beauty, “Attagirl! Yes! Ipaglaban mo ang mga babaeng may dyowang younger. This is really a good series sana hanggang ending maganda ang script. Congrats GMA!” 

Sey naman ng isa pang nakapanood sa pilot ng serye, “Hoy! Ang chemistry juskooo di ko kaya, bat bagay? Bakit GMA? Bat Ang galing nyo pumili ng character huhu may bagong mananakit sa akin araw araw, loving Marcus and Miss Bridgette already.”

Kahapon, nag-post din si Kelvin sa kanyang Instagram page ng ilang litrato na kuha sa mainit nilang eksena ni Beauty na pinusuan at ni-like ng kanyang followers.

Sa nakaraang virtual mediacon ng serye, inilarawan ng dalawang bida ang kanilang mga role. Ani Beauty, I’m Miss Bridgette de Leon. Ako ‘yung guidance counselor who came from a broken marriage and searching for myself. Nahanap ko si Marcus na magbibigay ng kulay sa buhay ko.”

Chika naman ni Kelvin, “Ako po si Marcus Villareal, pre-med student at ang mangagambala ng buhay ni Bridgette.” 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending