10 miyembro ng pamilya ni Angel tinamaan din ng COVID; bakit binura ang IG post tungkol sa ama? Bandera

10 miyembro ng pamilya ni Angel tinamaan din ng COVID; bakit binura ang IG post tungkol sa ama?

Ervin Santiago |September 14,2021
share this

10 miyembro ng pamilya ni Angel tinamaan din ng COVID; bakit binura ang IG post tungkol sa ama?

Ervin Santiago September 14, 2021 - 01:15 PM

Angel Locsin at Angelo Colmenares

BURADO na ang Instagram post ng Kapamilya actress-TV host na si Angel Locsin tungkol sa pagiging COVID-19 positive ng kanyang pinakamamahal na ama.

Kasabay nito, nagpasalamat naman ang misis ni Neil Arce sa lahat ng mga nagpahayag ng pagmamahal at nagdasal para sa paggaling ng kanyang 94-year-old na tatay na si Angelo Colmenares.

Ayon sa naunang IG post ni Angel, kinailangan na nilang dalhin sa ospital ang ama matapos makumpirmang tinamaan na rin ito ng nakamamatay na virus.

Ibinahagi niya ang litrato ni Ginoong Colmenares habang isinasakay sa ambulansiya ng mga healthcare workers.

“It’s been a week of feeling helpless. Imaging having COVID at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings.

“So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others,” aniya sa caption.

Ngunit nagdesisyon si Angel na burahin na lang ang nasabing post at palitan ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng nagdasal para sa agarang paggaling ng ama.

“Thank you for the prayers. I’m going to take my post down because this is something I don’t want to remember. 

“I just needed to air out yesterday. 10 members of the fam from separate houses got COVID,” pahayag ni Angel sa kanyang IG Story.

Aniya pa, “Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family.”

Narito ang ilang mensahe ng mga kaibigang celebrities ni Angel para kay Ginoong Angelo Colmenares.

“Praying for your dads fast recovery,” pahayag ni Judy Ann Santos.

Mensahe ni Bea Alonzo, “I’m praying for your family, Gel. Yakap.”

Sabi naman ni Dimples Romana, “Praying for you Daddy!!! Dito Lang kaming lahat praying with you Mars @therealangellocsin and @neil_arce.”

“Praying for your dad,” ang sabi ni Camille Prats.

Komento ni Bianca Gonzalez, “Get well soonest po.”

Sey ni Nikki Valdez, “Healing prayers for your Dad and strength for you and your family!”

Hindi rin nakalimot mag-message kay Angel ang iba pa niyang friends sa showbiz tulad nina Marian Rivera, Jodi Sta. Maria, Loisa Andalio, Isabelle Daza, Carla Abellana at marami pang iba.

Kung matatandaan, bago tamaan ng COVID-19 ang tatay ni Angel, nakapagpabakuna pa ito ng kanyang first dose noong Abril.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending