Mark dumami ang 'offer' mula sa mga bading dahil sa isyu ng pangungutang Bandera

Mark dumami ang ‘offer’ mula sa mga bading dahil sa isyu ng pangungutang

Ervin Santiago |September 14,2021
share this

Mark dumami ang ‘offer’ mula sa mga bading dahil sa isyu ng pangungutang

Ervin Santiago September 14, 2021 - 08:54 AM

Mark Herrs, Nicole Donesa at Baby Corky

NAGSALITA na sa wakas ang Kapuso actor-dancer na si Mark Herras tungkol sa isyu ng pera at ang umano’y pangungutang niya ng P30,000.

Nag-ugat ito sa naging pahayag noon ng dati niyang manager na si Manay Lolit Solis na nanghihiram nga raw siya ng P30K para sa gatas ng kanyang anak.

Ang tinutukoy ng talent manager ay ang pitong-buwang gulang na panganay ni Mark at ng fiancée nitong si Nicole Donesa na si Baby Corky.

Dito nasabi nga ni Manay Lolit na pinagsabihan niya si Mark sa paghawak sa kanyang finances lalo na ngayong meron na siyang anak. Aniya, “nakakahiya” raw na kailangan pa niyang manghiram ng P30K para sa gatas ng anak.

“Sabi ko, ‘Alam mo, Mark, sa estado mo, sa pagiging artista mo, nakakahiya, P30K lang wala ka. Kung meron kang P300,000 na uutangin, mas maganda sa pandinig. P30K, wala ka? Yung P.A., may 50,000, ikaw wala kang P30K?'” ang bahagi ng naging pahayag ng talent manager.

Hindi sumagot si Mark tungkol sa sinabi ni Manay Lolit at nanatiling tahimik lang sa issue. Hanggang sa mag-post na nga sa Instagram ang talent manager at showbiz columnist at umaming nakunsensiya siya sa ginawang panghihiya kay Mark.

At kasunod nga nito, muling nag-post sa IG si Manay para ibalitang hindi na siya ang manager ni Mark at ang GMA Artist Center na lang ang hahawak sa career nito. Wala pa ring reaksyon ang aktor hinggil dito.

Pero sa bagong YouTube vlog ni Mark, nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa pangungutang niya ng P30k at sa estado ng career niya ngayon sa GMA 7 matapos bitiwan ni Manay Lolit.

Sa nasabing vlog, sumabak si Mark sa “Sagot o Lagot” challenge kasama ang kaibigang si Eric Fructuoso kung saan pipili sila kung sasagutin ang tanong o iinom ng suka.

Isa nga sa mga naitanong sa aktor ay kung magkano ang pera niya sa bangko. Natawa muna si Mark sabay sabing, “Mga P30K siguro.  Inom na lang ako (ng suka) para walang issue.”

Aniya pa, “Ako siyempre, this is a private thing. Pero ako, yung anak ko, alam ko may pera sa bangko.” Ininom pa rin niya ang isang shot ng suka kahit sinagot na ang tanong.

Samantala, inamin din ni Mark sa chikahan nila ni Eric na totoong nakatanggap siya ng mga “offer” noong kasagsagan ng isyu sa pagitan nila ni Manay Lolit.

Tinanong ang aktor kung nakatanggap na ba siya ng indecent proposal, “Hindi naman to the point na indecent, ah, medyo disente pa naman. Pero I think it’s going there.

“Before, may nag-i-invite for a date nga lang, e, pero LGBT (beki) So, mga ganu’n. Tapos siyempre, nu’ng nangyari yung recent issue, ang daming nag-DM (direct message) sa akin na mga LGBT, ‘Hi, Mark. Hi, I can help.’

“I’m not judging them, pero basically, maganda naman yung thought. I think medyo in-assume ko lang na papunta du’n (sa indecent proposal).

“Pero, so far, wala pa naman akong natanggap na rekta, na talagang, ‘Mark, bigyan kitang pera…’ yun. Wala, wala pa namang ganu’n,” paliwanag pa ng unang StarStruck Ultimate Male Survivor.

Isa pang tinanong kay Mark ay kung tatanggapin ba niya kapag nagkaroon ng chance na makapagtrabaho sa ibang TV network.

Sey ni Mark, “Kung hindi ka naaalagan ng isang network, lalo na ang target ko ngayon is makapag-provide sa family, so, kung saan tayo magkakaroon ng project para makapag-provide, doon tayo.”

In fairness naman daw, maayos pa rin ang estado niya ngayon bilang Kapuso. Kamakailan lang ay nag-renew na siya ng kontrata sa GMA Artist Center at very sopn ay sasabak na rin siya sa lock-in taping para sa bago niyang teleserye.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending