#WaleyOHavey: Ate Gay, Tuesday trending dahil sa magkaibang pananaw ngayong pandemya | Bandera

#WaleyOHavey: Ate Gay, Tuesday trending dahil sa magkaibang pananaw ngayong pandemya

Ervin Santiago - September 09, 2021 - 09:01 AM

Ate Gay at Tuesday Vargas

KALIWA’T kanang batikos ang inabot ng comedian-host na si Ate Gay nang patutsadahan ang mga kaibigan niyang wala raw ginawa kundi magreklamo at sisihin ang gobyerno.

May mga kumampi sa komedyante sa mga naging pahayag niya ngunit mas marami ang nam-bash sa kanya at kumontra sa tila pagtatanggol niya sa Duterte administration.

Ang sentimyento ni Ate Gay ay kumalat at nag-viral sa social media habang mainit na pinag-uusapan ang pabagu-bagong desisyon ng pamahalaan tungkol sa pagpapatupad ng community quarantine sa bansa.

Kung matatandaan, last Monday, Sept. 6, in-announce ng Malacañang na mula sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR, ay ilalagay na ito sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) simula Sept. 8.

Pero nitong Sept. 7, bigla itong binawi ng Palasyo at inihayag na mananatili pa rin sa MECQ ang NCR dahil na rin sa pagtaas muli ng bilang ng COVID-case sa bansa.

Maraming nagalit at na-bad trip dito lalo na ang mga negosyante na naghanda na para sa muling pagbubukas ng kanilang mga restaurant at iba pang business.

Ang paniwala ng mga netizens, dito nagsimula ang pagkaimbiyerna ni Ate Gay kaya nakapagsalita siya tungkol sa pagiging nega ng ilan sa kanyang mga kaibigan na puro paninisi sa gobyerno ang ginagawa.

“Delete ko mga friends ko dito na walang ginawa kundi mangnega ng umaga ang manisi ang sisihin ang gobyerno … basa din alamin ang pinagmulan ng paghihirap ng pinas.. simulan nyo ng 1986.. (peace sign emojis),” ang ipinost ng komedyante sa Facebook pero deleted na ngayon.

Kasunod nga nito ang pambabatikos kay Ate Gay ng mga netizens kasabay ng pagkukumpara sa kanila ni Tuesday Vargas na naglabas din ng kanyang saloobin tungkol sa nasabing issue nang maging guest siya sa “Madlang Pi-Poll” segment ng “It’s Showtime” nitong nagdaang Martes.

Natanong kasi si Tuesday kung sang-ayon ba siya na ibalik na sa GCQ ang Metro Manila, “Siguro magyi-yes ako kung may mas konkretong plano, yung hindi ura-uradang pabalik-balik na parang, ECQ, MECQ, GCQ, parang paganu’n-ganu’n minsan (umastang nakikipag-patintero).

“So, gusto ko siguro ng mas maganda at maayos na sistema. Tapos mas maganda at mas maayos na pamamalakad ng lahat ng paglabas ng sistemang ito, para i-deserve naman nila yung buwis na binabayad, ganu’n!” sey pa ng singer-comedienne na talagang pinalakpakan ng mga host ng “It’s Showtime.”

Samantala, nang mabasa ni Tuesday ang mga comments ng netizens, nilinaw agad niya ang naging pahayag niya, “Nais ko pong gamitin nang mahusay ang aming platform.

“Bago pa po ang artista na persona, ako po ay Pilipino na naninindigan kasama ng aking mga kababayan. Gagamitin ko po ang aking boses para po sa mabuti.”

“Tayo po ay nasa iisang pandemya, nasa iisang sitwasyon. Ang gusto nating lahat ay mas malinaw at konkretong plano para sa lahat.

“At kung kinakailangan sabihin, mauuna na po kaming nakikita nyo sa TV. Hindi ko po pinlano na maging pulitikal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Subalit tinawag ako ng tanong at marapat na sagutin lang nang tama. Karapatan ko bilang mamamayan na maliwanagan,” pahayag pa ni Tuesday.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending