Paano magparegistro para makaboto? | Bandera

Paano magparegistro para makaboto?

Therese Arceo - August 31, 2021 - 07:35 PM

ILANG buwan na lang ay muli na namang magaganap ang 2022 National Elections. Rehistrato ka na ba? O nagbabalak pa lang na magparehistro?

Huwag mag-alala dahil narito na ang mga hakbang at mga dapat malaman na siguradong makakatulong sa inyo sa pagpaparehistro.

1. I-check kung eligible ka para magparehisto.

Dapat ay isa kang:

– Filipino citizen
– At least 18 years old on or before Election Day (May 9, 2022)
– A resident of the Philippines for at least one year and a resident of the place in which you intend to vote for at least 6 months

Kung pasok ka sa eligibility requirements, puwedeng-puwede ka nang magparehistro.

2. Hanapin ang pinakamalapit na COMELEC offices at mag-book ng appointment.

Kadalasan ay matatagpuan ito sa city hall kung saang lungsod kayo naninirahan. Maaari ring i-check ang Metro Manila offices, regional offices, provincial offices, and city and municipal offices para makasigurado.

Pinapayagan ang walk in registration ngunit hinihikayat ng COMELEC ang mag-book ng appointment isang linggo bago ang ninanais na araw ng pagpaparehistro para na rin makaiwas sa aberya. Bukod rito, priority ng COMELEC ang mga nakapag-book ng appointment kung sakaling dumagsa ang maraming tao na nagnanais magparehistro para makaboto.

Bukas ang COMELEC offices mula Martes-Sabado, 8am-5pm.

3. I-fill out ang application form.

May tatlong paraan para makapag-fill out ng application form.

Una, maaaring mag-print at i-fill out na sa bahay ang application form at siguraduhing naka-legal size ito.

Pangalawa, maaaring magpunta sa iRehistro at i-fill out ang form online.

Pangatlo, maaaring kumuha at mag-fill out ng form sa mismong COMELEC office kung saan ka magpaparehistro.

Hinihikayat rin ng COMELEC na kung maaari ay magdala na ng duly accomplished forms na kinakailangan para mas mapaiksi ang pananatili sa COMELEC Offices at para na rin makaiwas sa posibleng pagkahawa sa COVID-19 virus.

Siguraduhin lang na HUWAG pirmahan at HUWAG maglagay ng thumb marks sa application form dahil ito ay kinakailangang gawin sa mismong COMELEC office.

Kinakailangan ring i-fill out ang supplementary data form kung ikaw ay kabilang sa Persons with Disabilities (PWD) o Indigenous Peoples (IP).

4. Mag-photocopy ng Valid ID.

Ano nga ba ang mga Valid ID na maaaring dalhin?

Employee’s identification card (ID), with the signature of the employer or authorized representative
– Postal ID
– PWD Discount ID
– Student’s ID or library card, signed by the school authority
– Senior Citizen’s ID
– Driver’s license
– NBI clearance
– Passport
– SSS/GSIS ID
– Integrated Bar of the Philippine (IBP) ID
– License issued by the Professional Regulatory Commission (PRC)
– Certificate of Confirmation issued by the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) in case of members of ICCs or IPs

Kung walang valid ID ay dapat may maipakitang proof of residence.

Magdala rin ng extrang valid ID kung sakaling magkaroon ng problema ay hindi masasayang ang iyong pagpunta. Siguraduhin rin na parehas ang city o municipality na nakalagay sa iyong address at sa lugar kung saan nagpaparehistro.

Kung okay ka na sa lahat, ready ka na para magparehistro!

I-check kumpleto ang requirements bago pumunta sa iyong appointment.

– CEF-1 forms (all copies)
– Coronavirus Health Declaration Form
– 1 Valid ID
– Photocopy of Valid ID

Hindi na kinakailangan ng negative COVID-19 test result ngunit kinakailangang mag-fill out ng Health Declaration Form.

Magdala ng sariling ballpen, alcohol, at tubig para mapanariling hydrated ang katawan.

Sundin rin ang safety protocols upang makaiwas sa COVID-19.

Narito ang mga inaasahang mangyayari sa iyong pagpaparehistro ngunit maaaring mag-iba depende sa COMELEC Offices na iyong bibisitahin.

Step 1: Contact Tracing

Para na rin sa seguridad ay kinakailangang i-fill out ang contact tracing form.

Step 2: Application Review and Signature

Dito ay i-veverify kung tama ang mga isinulat mo sa form at titignan kung may mga kulang pang detalye sa form na iyong isinumite. Kung wala namang problema ay maaari mo nang pirmahan ang form.

Step 3: Biometrics

Dito naman ay kukuhaan ka ng litrato, digital signature, at fingerprints para sa database.

Step 4: Stub collection

Dito na ibibigay sa ‘yo ang stub na nagpapatunay na ikaw ay rehistrado na at maaari nang bumuto sa susunod na eleksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magtatapos ang voter registration sa Setyembre 30, 2021.

Tandaan na ang pagboto ay isa sa iyong karapatan. At bilang Pilipino, may karapatan kang mabago ang sistema ng bansa sa pamamagitan ng iyong pagboto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending